[9] - Haunted

49.9K 1K 37
                                    


[9] - Haunted

To: AttorneyNaglunch ka na ba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To: Attorney
Naglunch ka na ba?

Sent.

Napabuntong-hininga na lang matapos kong magtext kay Attorney. Ala-una na kasi ng hapon sa mga oras na iyon at ngayong araw din ang opening ng intramurals ng school. I was cheering for my advisory class dahil ngayong araw din ang cheerdance competition nila. Nasa gym ako ng school habang pinapanuod silang sumasayaw.

Half an hour passed and still, Attorney didn't reply me back. I sighed again. Nitong mga linggo kasi ay nagiging busy siya. Laging gabi na siya umuuwi sa apartment dahil sa firm at minsan, alam kong nafrufrustrate na siya sa trabaho niya at para bang laging may bumabagabag sa kanya. Sinubukan ko namang tanungin siya tungkol doon - and he would always dismiss me saying that I should not be worried dahil parte ng trabaho lang ang lahat iyon.

Hindi ko tuloy maiwasan mas lalong maparanoid. Parang din kasing lumalayo ang loob niya sa akin. Sinubukan ko rin siyang hintayin gabi-gabi pero pinagsabihan niya lang ako na huwag na siyang hintayin dahil may klase pa ako ng maaga kinabukasan.

Magtatatlong buwan na kaming magkasamang dalawa... kaya naman kinakabahan din ako sa inaasal niya. Sawa na kaya siya sa 'kin? Ayaw na ba niyang makasama pa ako?

Few hours later ay hindi pa rin niya ako nirereplyan. Unlike before, mabilis siyang nagrereply sa mga text ko, ngayon, minsan na lang. Minsan nga hindi na.

Ano bang nangyayari sayo, Attorney?

I tried everything... ngunit hanggang ngayon, wala pa rin ba?

"Congrats mga kids! Ang galing niyo talaga! Naku, tama talaga ako, kayo talaga mananalo!" I cheerfully said to my advisory class when the cheerdance competition was done and when the judges announced na ang 3rd year section D ang nanalo, ang sobrang saya ko kasi sila ang advisory class ko.

At kahit papaano ay hindi ko muna naiisip ang malabong sitwasyon namin ni Attorney dahil sa mga estudyante ko.

"Dahil din po sa inyo, Ms. Ochua kaya kami nanalo," Si Kim, ang president ng advisory class ko ang nagsalita, "Dahil po sa tiwala niyo sa 'min, naku, tinalo pa namin ang section ng matatalino!" Everybody then squealed happily, agreeing to what their president said. Natawa na lang din ako.

Hindi kasi pilot section ang advisory class ko at minsan, hindi maiiwasan na palagi silang pinupuna ng iba dahil slow daw ang mga utak. Pero kahit ganun ay alam kong bawat sa kanila ay may potensyal kaya naman ganun ako sumuporta sa kanila. Kailanman ay hindi nasusukat sa katalinuhan ang pagiging matagumpay sa buhay.

Hay. At least sa mga estudyante ko, I feel appreciated. Unlike kay Attorney... ewan ko ba.

"Naku, kayo talaga! Gusto niyo lang magpalibre eh. Sorry, dukha rin si teacher!" I joked as all of us laughed again. This is also why I love teaching.

Innocently Mischievous (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon