Chapter 3

24.8K 683 20
                                    

GAYA ng sinabi ni X kay Jham ay sinundo nga niya ito para isabay na sa pagpasok niya sa university.

"Mom, Dad alis na po ako." Paalam ni Jham sa kanyang ama't ina. "Isasabay po ako ni X papuntang university." Paliwanag nito ng magtaka ang mga itong aalis siyang hindi ang daddy niya ang kasabay. Araw-araw kasi ay ito ang humahatid sa kanya kung papasok na siya. Mula ng nasa grades school siya ang ama na niya ang naga hatid sundo dito.

"Sige mag-iingat ka anak." Habilin ng mommy niya sa kanya. "Yes! Mom, magdate na lang kayo ni Daddy." Nakahagikhik nitong turan sa ina. Natawa na lang ang ginang sa sinabi ni Jham.

Matapus humalik ni Jham sa kanyang ama't ina ay dali-dali siyang lumabas ng bahay nila. Nagkatinginan na lang ang mag-asawang nakamata hanggang sa mawala sa paningin nila ang unica hija nila.

Pagdating ni Jham sa labas ng gate nila ay nakita niya agad doon ang naghihintay na si X. Nakasandal ito sa hood ng kotse niya. Napatayo lang ito ng tuwid ng makita niya si Jham na papalapit sa kanya.

"Hey!"

"Hey! Kanina ka pa ba dito?" Tanong dito ni Jham. "Nope. Kararating ko lang." Sagot nitong agad binuksan ang pinto ng sasakyan. Agad namang pumasok sa loob ng sasakyan si Jham. Matapus maisara ni X ang pinto ng sasakyan ay saka siya gumawi sa driver's seat.

"Flowers for you." Ani X sabay abot nito ng bulaklak kay Jham bago niya inistart ang sasakyan.

"Thanks." Nakangiting ani Jham. "Your always welcome, misis." Sagot nitong seryosong nakatuon ang mata sa daan.

Dahil sa namumuong katahimikan sa pagitan nila ni X ay tinangkang magtanong ni Jham sa binata.

"Uhm! X, can I asked you something?" Anitong bahagya naman siyang nilingon ng binata. "Yeah! Sure go ahead, misis." Sagot nitong muling itinuon ang mga mata sa daan.

"Curious lang kasi ako, simula't nagbinata ka e panay na tawag mo sa akin ng misis. E! hindi mo naman ako asawa. Di ba dapat itawag mo sa akin e baby, babe, honey, sweetheart etc. Hindi ang misis?" Taka nitong tanong kay X.

"Because I want them to know that you belong with me. Ayaw kung may umaali-aligid sayong ibang lalaki. Dahil sasabutahiin ko talaga ang bawat magbabalak pakipaglapit sayo. Your mine and I don't wan't a peace of shet to give them a chance para maagaw ka nila sa akin." Anitong kinataas ng kilay ni Jham.

"Possessive," nakapuot nitong aniya sa binata. "Baliw din." Dagdag pa nito.

"Yes! I am. I'm crazy with you. And God knows how I like you. I know you were born for me and I was born for you." Anito.

"Alexander, anong nakain mo?" Kunot nuong tanong ni Jham sa binata.

"Ang natatandaan ko ay wala akong nakain. I just bite your lips and I'm going to do it again now." Saad nito. At sa isang iglap lang ay kinabig nito ang manibela ng kotse niya at itinabi niya sa daan. Parang isang kidlat sa bilis lang ay nasa labi na ni Jham ang labi ni X. Dahil sa kabiglaan ay halos hindi makaimik si Jham.

"A-alexander."

"This lips is only mine, this is belong with me. And I don't want someone to taste your sweet lips." Anito habang padampi-dampi niyang hinahalikan ang labi ng natahimik na si Jham.

Ng mahimasmasan si Jham ay agad nitong tinampal sa dibdib si X. Nakasimangot niya itong tiningnan.

"At sino naman ang hahalik sa akin na iba, aber? Eh! Malayo pa nga lang sila e nandyan kana para harangin sila." Taas kilay ditong saad ni Jham. Ngumiti naman ng pilyo si X sa tinuran ni Jham sa kanya. "Ikaw lang naman itong nanghahalik agad dito." Paismid pa nitong turan sa binata.

You Belong With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon