Chapter 5

20.6K 644 33
                                    

HALOS hindi mapuknat-puknat ang pagkakangiti ni Jham mula ng makauwi ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman basta ang alam niya ay masaya siya.

Nakasuot siya ng damit pantulog at sinusuklay nito ang buhok ng biglang bumukas ang bintana ng kwarto niya. Muntik pa siyang mapasigaw sa gulat. Buti na lang at nakita nito agad si X.

"A-a-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito sa mahinang tuno. Nangingiti namang nagtanggal ng suot na jacket at sapatos ang tinatanong niya. Matapus nitong tanggalin ang suot na sapatos at jacket ay agad itong sumampa sa kama ni Jham.

Naiiling na lang na agad tinapos ni Jham ang ginagawa niya. Matapos ito sa ginagawa ay saka ito sumampa rin sa kanyang kama. Nakamata naman sa kanya ang binata.

"Mukhang sinasanay mo ang sarili mo na nakikitulog dito?" Nakataas ang kilay na tanong dito ni Jham.

"Hindi kasi ako makatulog. Gusto ko bago ko ipikit ang mga mata ko ay ikaw ang makikita ko. At pagkagising ko ay ikaw ang mamumulatan ko." Anito kay Jham. "Ewan ko sayo." Paismid na anang dalaga upang itago ang naramdamang kilig.

Nang makahiga sa kama si Jham ay mabilis itong niyakap ni X. Walang nagawa ang dalaga kundi ang yakapin din ito pabalik.

"Alam mo nakakatakot itong pinaggagawa mo, panu kung mahulog ka dyan at mabalian ng buto?" May pag-aalala nitong aniya kay X. "Dapat harapin mo sina Mommy at Daddy ng hindi ka dumadaan sa bintana." Saad pa nitong kinangiti ni X.

"Sige misis, bukas kakausapin ko sina tito at tita," sagot nito. "Pero ngayon ay ito muna ang gusto kong gawin." Anito sabay tawid niya sa pagitan ng mga labi nila. Nagpaubaya naman dito si Jham dahil buong puso niya itong tinugon.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay kapwa nila habol ang hangin. "I'm addicted with this lips." Ani X sabay pinalandas niya ang hintuturo sa labi ni Jham.

"Alexander," tawag nito kay X. Lahat ng nakakakilala sa binata ay X ang tawag sa kanya. Tanging si Jham lang ang tumatawag dito ng Alexander. "Why me?" Anitong kinakunot ng noo ni X.

"Why you?" Kunot noo nitong tanong sa dalaga. "Why me, I mean sa dinami-dami ng mga babaeng naghahabol sayo e ako pa ang napili mo?" Taka nitong tanong sa binata. Bahagya naman tumagilid ng pagkakahiga niya si X at hinarap niya si Jham.

"Dahil iba ka sa lahat. Sayo lang tumitibok ang puso ko. Na ikaw lang ang tanging babaeng kayang patigilin ang pag-inog ng mundo ko. Everything about you is special. Mahal kita dahil yun ang sabi ng puso ko at iyon ang dinidikta ng isip ko. Ang puso't isip ko ay iisa ang sinisigaw at yun ay tanging ikaw lang. Ikaw lang Jham ang babaeng nakaukit dito sa puso ko simula't akoy nagkaisip sa mundong ito." Seryoso nitong aniya kay Jham. Mabilis naman sinapo ni Jham ang gwapong mukha ni X.

"I don't know what to say," hindi alam ni Jham kung ano ang sasabihin. "I just want to say thank you for loving me. Mahal din kita maybe noon pa. Hindi ko lang siguro maamin yun sa sarili ko." Ani Jham.

"For saying that you love me too, is enough for me." Ani X. Dahil sa tinuran ni X ay mabilis itong niyakap ni Jham. Napangiti naman itong kinabig ni X na muntik na niyang ikasigaw. Kaya mahina niya itong tinampal sa balikat ang binata.

'tok tok tok'

Mabilis na nagkatinginan ang dalawa ng makarinig sila ng sunod-sunod na katok.

"Princess," sunod-sunod ang paglunok ni Jham ng marinig niya ang boses ng kanyang ama. Samantalang si X ay tila wala lang takot na mababakas sa mukha nito. "Princess, open the door. Alam kung gising ka pa at alam kung nandyan sa loob ng kwarto mo si X." Anang kanyang ama. Napatingin naman siya kay X.

"Go misis, open the door. Baka sirain yan ni tito." Nakangiti nitong utos kay Jham. Kinakabahan namang bumangon sa kama niya si Jham at binuksan niya ang pinto. Si X naman ay kampante itong nakaupo sa kama ni Jham.

You Belong With Me(Completed)Where stories live. Discover now