Chapter 6

20.5K 608 10
                                    

GAYA ng sabi ni X ay sinundo nga nito si Jham. Magkasama silang pumunta ng V-Mall. Bawat nakakakita kay X at nakakakilala sa kanya ay panay pacute ng mga ito sa binata. Kung pwede nga lang siguro siyang sugurin ng mga ito ng yakap ay ginawa na nila. Kaso hanggang tingin lang ang mga ito kay X. Dahil kung makapulupot nito ang kamay sa baywang ni Jham ay daig pa niya ang batang aagawan ng candy sa higpit ng pagkakahawak niya.

"Mister, ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong ni Jham kay X. Hindi kasi maipinta ang mukha nito. "Kung ayaw mo dito ay sa ibang lugar na lang tayo pumunta." Dagdag pa ni Jham.

"Misis naman kasi, dudukutin ko ang mga mata ng mga lalaking ito na nakatingin sayo." Anitong hindi malaman ni Jham kung tatawa ba siya o sisitahin ang binata.

"Baliw ka talaga, e ikaw nga pinagpipyestahan ka ng mga kababaehan dito." Taas kilay namang ani Jham dito.

"Kahit na Misis, ayaw ko parin na tinitingnan ka nila. Gusto kung ako lang titingin sayo. You are mine only, Misis." Anitong kinailing na lang ng dalaga.

"Oo, na. I'm all your. Kaya tara sa ibang lugar na lang tayo pupunta." Yakag nito sa binata. At pumayag naman ito. Lumabas nga sila ng V-Mall at sa ibang lugar na lang sila pupunta.

Pagdating nila sa sasakyan ay nakasimangot parin si X. Kaya naman agad itong dinampian ni Jham ng halik sa labi. "Kahit ilang lalaki pa ang tumingin sa akin kung ikaw ang mahal ko e wala silang magagawa. Gaya ng mga babaeng may gusto sayo. Hanggang tingin lang sila dahil wala akong balak na hatian sila pagdating sayo. Dahil gusto ko rin na nag-iisa lang ako sa buhay mo." Saad dito ni Jham na kinalambot ng mukha ni X.

Maya't maya lang ay kinabig nito ang batok ng nobya at siniil niya ito ng halik. Agad din naman itong tinugon ni Jham. Kaya nagtagal din ng ilang minuto ang palitan nila ng halik. Kung hindi pa sila kapwa kinapus ng hangin ay wala na atah silang balak maghiwalay pa.

"I love you. Lagi mo yan tatandaan misis." Anito kay Jham na napangiti. "I love you too, mister." Tugon nito sa tinuran ng nobyo.

"So, saan tayo ngayon pupunta?" Pilyang tanong ni Jham kay X. "Mmm! I have idea." Mabilis nitong sagot.

Kunot noo namang tiningnan ni Jham si X na agad binuhay ang makina ng sasakyan.

"Misis, pakitawagan nga ang pinsan ko." Utos nito kay Jham. "Why? At sinong pinsan mo ang tatawagan ko, si Zane Tyrone ba?" Takang tanong naman dito ng dalaga.

"Nope, si Mr. Chief cook, may ipapagawa lang ako sa kanya." Anito sabay kindat kay Jham. Kaya agad na tinawagan ni Jham ang pinsan ni X.

"Hello, napatawag ka Jham?" Masayang bungad ng nasa kabilang linya.

"Hello. Uhm! Alexander want to talk to you." Anito sabay lapit niya ng tawagan kay X.

"Hey! Mr. Chief," ang nangingiting ani X habang nakatuon parin ang kanyang mga mata sa daan. "can you do me a favor?" Anito sa kabilang linya.

"Hey! Boss," sagot naman ng kausap niya. "sure, anong ipapagawa mo sa akin? Wag lang mambabae ha, ayaw kung itakin ako ng asawa ko." Anang nasa kabilang linya na natatawa.

"Langya ka oh! Hindi naman yun ang ipapagawa ko sayo. Ayaw kung madamay na itakin ng asawa mo." Saad dito ni X na natawa rin sa tinuran ng kausap.

"Okay! So, anong favor ba ang gusto mo. Wag mo rin ako utangan dahil wala akong pera." Anito kay X. "Fvck! you men, ang kuripot mo kasi." anito kausap sa kabilang linya.

"Nhaaaaa. Kailangan kung magtipid bro, you know grounded ang mga ATM at cridet card ko kay Dad." Paliwanag nito kay X.

"I know, don't worry if you need my help. Just tell me, I'm always here." Anito na kung kaharap niya ang kausap ay nakita na niyang naiiling itong natatawa.

You Belong With Me(Completed)Where stories live. Discover now