Chapter 19

17.7K 504 8
                                    

Warning:Rated SPG
.
.
.
.
NANG makalapag ang chopper ni Kurt sa Monte Silva Cruise ay agad silang sinalubong ng ilang crew ng barko. Agad kinuha ng mga ito ang dalang gamit nila X at Jham.

“Welcome in my place.” Nakangiting ani Kurt bago niya inakay ang bagong kasal sa magiging kwarto nila habang nasa Monte Silva Cruise ang mga ito.

“So, ito ang magiging kwarto niyo. Kumpleto ang nasa loob niya bro, kung ayaw niyong lumabas.” Pilyo nitong aniya kay X na napailing. “Kung may kailangan kayo ay tawagan niyo lang ako.” Dagdag nito.

“Thanks bro.” Pasalamat dito ni X. “Sige, enjoy your honeymoon guys. Magparami agad kayo.” Saad ni Kurt sa kanilang kinatawa ni Jham. Dahil lahat ng mga kaibigan ni X ay pare-pariho lang ang sinasabi sa kanila ang magparami agad sila.

“Magseryoso kana rin Monte Silva ng makarami ka rin at makapaghoneymoon.” Ani X kay Kurt. “Nhaaaaa.....I’m always in a honeymoon stage bro.” Sagot nito kay X.

“Gago, lumayas ka na nga.” Pagtataboy dito ni X na tinawanan lang ni Kurt bago ito umalis kasama ang crew ng barko niyang naghatid ng mga gamit nila X at Jham.

Pagkapasok nila sa loob ay agad na bumungad sa kanila ang loob ng silid. Parang nasa isang condo unit lang silang dalawa. Meron isang kwarto kung saan ang master bedroom. Kusina, mini dining area at kung gusto mong lumanghap ng hangin at tanawin ang karagatan ay pwede kang pumunta sa veranda kung saan tanaw mo ang labas ng Monte Silva Cruise. At syempre ang bathroom nito ay jacuzzi.

Kaya naman pala nasabi ni Kurt na kumpleto ang loob nito kung ayaw nilang lumabas. “Ang ganda dito.” Ani Jham habang nakatingin siya sa paligid.

“Maganda rin yung nasa pool area, parang nasa isang hotel ka lang. Meron din star bucks at kung gusto mong manood ng sine ay pwede.” Paliwanag ni X kay Jham. “Wow! Bungga pala itong si Kurt. Kaya naman pala hindi nagseseryoso e kasi okay lang sa kanya dahil sa yaman niya.” Kumento nito kay Kurt.

“Yeah! Pero mas gwapo ako sa kanya.” Pagbubuhat nito ng bangko na kinangiti ni Jham. “Syempre ikaw lang ang gwapo kung asawa.” Paglalambing nito kay X.

“I love to hear that Misis.” Anito kay Jham na nakangiti. “Hindi ka ba naiinitan dito sa suot mo?” Maya ay pag-iiba nito ng usapan. Nakawedding gown parin kasi ito. Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na mahbihis bago sila umalis dahil naging busy sila sa mga guest nila kanina.

“Medyo nangangati na nga ako. Tulungan mo akong hubarin dahil hindi ko maabot ang ziper sa likod.” Seryosong ani Jham na inakay ang asawa sa loob para hubarin ang suot niya.

“tok tok tok”

Biglang nagkatinginan ang mag-asawa kung sino ang kumakatok. Hanggang sa huli ay agad nilapitan ni X ang pinto at pinagbuksan niya ang kumakatok.

“Pasensya na po kung naabala namin kayo, sir.” Tila nahihiyang anang napagbuksan ni X. “No it’s okay.” Mabilis niyang sagot dito.

“Thank you, sir. Nandito po kami dahil pinapahatid po ito ni sir Kurt.” Paliwanag ng lalaking kaharap ni X. Doon lang napansin ni X na may dala pala ang mga itong dalawang cart na naglalaman ng mga pagkain.

“Oh! Sige pasok kayo.” At bahgya namang nilakihan ni X ang pagkakabukas ng pinto. “Thank you.” Pasalamat sa mga ito ni X.

“Congratulation nga po pala sa inyo Ma’am and Sir. Kung may kailangan pa po kayo ay tawagan niyo lang po kami.” Saad ng mga itong nakangiti at ang mata ay kay X. Takot ang mga itong tumingin kay Jham dahil binalaan sila ng boss nila.

“Thank you. Pakisabi rin kay Monte Silva na salamat.” Ani X. “Wala po yun sir. Sabi po kasi ni sir Kurt e special ang pagstay niyo dito dahil malapit kayo sa puso niya. Kapatid daw niya in other mother si Madame.” Paliwanag ng isa sa mga ito bago sila humakbang palabas.

You Belong With Me(Completed)Where stories live. Discover now