Chapter 17

17.6K 542 6
                                    

NANG makabalik ng Pilipinas sina X at Jham ay agad kinausap ng binata ang mga kaibigan niya para sa isang bagay na gusto niyang mangyari.

“Anong meron at ipinatawag mo kami?” Takang tanong ni Austin kay X.

Nasa ACH silang magkakaibigan nagkita-kita. Napailing naman si X ng makita niya ang mukha ng mga kaibigan niya. Mukha atang wala siyang mapapala sa mga ito. Nakalimutan niyang mga siraulo pala ang mga ito.

“Bakit ba kayo ang pinatawag ko. Tsk! Sana hindi na lang kayo.” Nakasimangot niyang aniya sa mga ito. “Syempre dahil kami lang naman ang mga gwapo mong mga kaibigan dito.” Sagot sa kanya ng nakangisi niyang pinsan na si Tyrone.

“Mga gago magseryoso nga kayo, mag-aasawa na ang isang yan kaya niya tayo pinatawag.” Biglang singit ni Mark sa kanilang lahat. Kaya natigil ang mga ito.

“Whoaaaa! Bro, ano yan, ikaw ang mauunang magpapamyembro sa ‘Wanted de kumander, labas de kwarto?” Natatawa namang tanong sa kanya ni Blake. “Langya naman oh! Ang labo niyo talagang kausap.” Saad niya sa mga ito.

“Hayaan mo sila bro, dahil one day kapag sila ang nainlove ay gantihan mo lang sila.” Saad sa kanya ni Axel sabay tapik nito sa balikat ni X. “Anong maitutulong namin sayo bro?” Tanong naman sa kanya ni Frank.

Nakahinga naman ng maluwag si X dahil meron pa palang matinong kausap sa mga kaibigan niya. Wala kasi si Alex na seryosong kausap. Nasanay kasi siyang yun ang kausap niyang nagseseryoso.

“Gusto kung magproposed kay Jham. Pero hindi ko alam kung papaano.” Matapat nitong sagot. “Bro, gawin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo.” Payo naman sa kanya ng seryosong si Yugene.

Naisip ni X na siguro nga ay tama si Yugene. Kailangan niyang sundin kung ano ang dinidikta ng puso niya hindi ang sinasabi ng mga siraulo niyang kaibigan. “Magsiuwian na nga kayo. Hindi naman kayo matinong kausap.” Utos nito sa iba niyang kaibigan.

“Mamaya na bro, maghahanap pa ako ng chicks.” Mabilis na sagot sa kanya ni Flake na agad sinang-ayunan ng iba. “Di lumayas kayo at maghanap ng chicks.” Saad niya sa mga ito.

“Tama. Lumayas na kayo. Pero kapag wala kayo sa oras na magproposed si X kay Jham ay ihanda niyo na ang mga pera niyo. Dahil one by one ko kayo sisingilin. And you know me mga bro.” Ani Elijah sa kanilang kampanting nakaupo. Ng makita naman nitong biglang napasimangot ang mga siraulo nilang mga kaibigan ay bigla siyang napangisi.

“Mangungutong na ‘to dumating pa.” Ani Tyrone sa kanya. “Oo, dahil mas gwapo ako sayo.” Pang-aasar ni Elijah kay Tyrone.

“Asa ka pang mas gwapo ka sa akin.” Balik nito kay Elijah. “Alam mo, ipinagdadasal ko talagang mainlove ka sa singkit bro.” Anito kay Tyrone na halatang naasar na.

“Ako mainlove sa kalahi mo. No way. Never.” Sagot nitong tila siguradong hindi mangyayari ang bagay na hinihiling ni Elijah. “I swear. Mangyayari ang bagay na yun bro, hindi na aabutan ng pagputi nang uwak.” Giit dito ni Elijah.

Natatawa na lang ang magkakaibigan na nakikinig kina Tyrone at Elijah. Kapag magkasama na ang dalawa ay panay bangayan nila. Daig pa nila ang mga batang nag-aagawan ng candy kung makaasta ang mga ito.

“Bro, pwede bang magpasuyo?” Ani X kay Mark. Napangiti naman ito sabay akbay niya kay X. “Nagbibinata kana nga bro, after niyan matanda kana.” Pabiro nitong aniya kay X na napailing. “No worries. My place is open for you. Bukas ng gabi ay ready ang dinner date niyo ng mahal mo doon. And don’t forget to give me the engagement ring.” Anito.

“Your my man, bro. Thank you.” Masaya nitong aniya kay Mark. Dahil kahit hindi pa niya nasasabi ang gusto niya ditong ipakiusap ay inunahan na siya nito. “Nhaaaa.....may bayad yun bro, pero saka na kita sisingilin e kung meron na akong binata at meron kang dalaga.” Pilyong ani Mark.

You Belong With Me(Completed)Where stories live. Discover now