Chapter 8

18.2K 586 11
                                    

MULA ng isama ni X si Jham sa opisina niya ay napapadalas narin ang pagpunta niya doon. Kaya halos kilala na rin siya nang lahat ng nagtratrabaho sa kumpanya ng nobyo.

"Sir."

"YES?"

"Sir, you have a meeting today with the Katigbak company." Anang secretary niya.

"Send someone to meet them. Mayroon akong ibang trabaho at hindi malulugi ang kumpanya kahit wala ang kumpanya nila sa kumpanya ko." Naiirita nitong utos sa kanyang secretary. Alam niya kung kaninong kumpanya ang tinutukoy ng secretary niya. Pagmamay-ari ito ng pamilya nila Layla. Kaya hanggat maaga ay iiwasan niya ang pamilyang ito. Dahil nakikinita niyang hindi maganda ang dala nito sa kumpanyang hawak niya.

"Okay! Sir." Pagtalima ng secretary niya.

"One more thing, I'm not interested kung ano man ang gusto nilang ialok sa kumpanya." Anito sa kanyang secretary. Nahihiwagaan at nagtataka man ito sa inasta ng boss niya ay ipinagwalang bahala na lang niya sa takot na masisante siya sa trabaho.

Kilala ng lahat nang nagtratrabaho sa kumpanya ni X ang binata sa ilang buwan nila itong nakakatrabaho. Basta trabaho ay trabaho. Kapag maayos ang trabaho mo ay maayos ka rin niyang pakikitunguhan. Ngunit mailap talaga ito sa mga babae.

Pagkaalis ng secretary ni X ay agad nitong tinawagan ang nobya. Hindi rin naman nagtagal ng sumagot ito.

"Yes! Mister, do you missed me already?" Pilyang tanong ni Jham sa kanya. "Something like that misis." Sagot nito.

"Oh! Akala ko ba e oras pa lang ang lumipas ng magkita tayo?" Saad sa kanya ng nobyang nangingiti sa kabilang linya.

"Kung pwede nga lang misis na itali kita sa baywang ko ay ginawa ko na. Lagi lang kitang makita at hindi malayo sa aking paningin." Anitong kinailing ni Jham.

"Oo, na. Ikaw na mister." Naisatinig na lang ng nobya na sinamahan ng munting tawa. "Misis, susunduin kita dyan for lunch. Nagpareserve ako ng table kay Villagas." Pag-iiba nito ng usapan nila.

"Okay! Magmessage ka lang kung pupunta kana dito." Sagot naman nito.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nila ng magpaalam sila sa isa't isa at muling bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.

BAGO sumapit ang tanghali ay gaya ng habilin ni Jham kay X ay nagmessage muna siya sa dalaga ng paalis na siya sa kanyang opisina para sunduin ito.

Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe ni X ng marating niya ang kumpanyang pag-aari ng ama ni Jham. Tamang-tama namang papalabas ang nobya at ng makita siya nito ay agad itong lumapit sa sasakyan niya at agad pumasok.

"Hey! Misis I miss you." Ani X sabay halik niya sa labi ng nobya pagkaupo lang nito sa loob ng sasakyan. "Ang sweet talaga ng mister ko, anong meron?" Pilyang ani Jham.

Naiiling na lang na inistart ni X ang sasakyan at pinausad niya ito. Hindi rin naman nagtagal ng marating nila ang bagong tayong restaurant ni Mark.

Magkahawak kamay silang pumasok sa loob ng restaurant pagbaba nila ng sasakyan ni X. At malayo pa lang sila ay natanaw na nila si Mark.

"Hey! Bro," ani Mark ng makalapit sila dito. "Hi! Jham." Isang tipid na ngiti lang ang isinagot dito ng dalaga.

"Nice place bro," kumento ni X. "Congrats." Dagdag pa nito.

"Thanks bro," pasalamat naman dito ni Mark. Agad silang inakay ni Mark sa mesang nakalaan sa kanilang dalawa. "Ito ang mesa niyo bro, kung may kailangan kayo ay tawagin niyo lang ako. Asikasuhin ko muna ang ibang costumer." Paalam niya sa mga ito.

You Belong With Me(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon