three

1.2K 30 0
                                    

skye's pov

umorder ako ng chicken nuggets saka fries at umupo sa bakanteng upuan.

"skye?" napaangat ako ng tingin kay donny. nagsmile ako sa kanya, "y-yes?" curse you, stutters.

"have you been crying again?" umupo siya sa upuan sa harap ko. umiling ako. "b-baliw. hindi ah."

"kaya pala namumula mata mo saka nagiging rudolph ka, ano?" pinisil niya yung ilong ko saka nagsalita. "hey, mind over matter. wag mong iyakan lahat kasi hindi lahat ng iniiyakan, worth it."

does it includes you on being not worthy of my tears?

"ah eh, oo nga. kain na tayo." pag-iiba ko ng usapan. napailing nalang si donny saka nakishare sa fries ko.

"wait for me later, may training ako." tumango nalang ako since ayoko pa namang umuwi ng maaga kasi wala naman akong makausap run.

*

umulan pa, badtrip. sumilong muna ako saglit para kunin yung payong ko sa bag ko.

shit.

wala pa pala kong payong.

well, i guess have to wait for donny here. tiningnan ko yung relo ko. 5:30 palang, 30 more minutes pa bago lumabas si donny.

*

nag-intay ako sa may bench saka naglaro muna sa phone ko pampalipas oras. palakas ng palakas ang ulan, ano ba naman yan, wrong timing. dumidilim na din pala.

di ko namalayang 6:15 pm na pala dahil nag-eenjoy ako sa panonood ng patak ng ulan. nakakarelieve.

pakshet ang lamig, bat ganun????

-

third person's pov

"don–" sigaw sana ni skye nang makita niyang lumabas si donny ng campus kaso hindi na natuloy.

"ano tara na?" aya ng isang babae na kasama ni donny paglabas ng campus.

"sige, halika na. may payong ka ba?" sambit ni donny mula sa malayo.

"wala eh, ikaw?"

"meron, share na tayo oh." nagsimulang maglakad ang dalawa sa ulan at tumungo na pauwi.

naiwan naman si skye na nakatingin lang sa kanilang dalawa habang paalis. "nakalimutan na naman ako, letche." tumulo na naman ulit ang luha ni skye kasabay ng ulan. ang luha niya ay hindi puno ng kalungkutan kundi pagkainis.

naglakad na siya paalis sa bench at hinayaang pumatak ang ulan sa mukha niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

shoot.+ donny p.Where stories live. Discover now