twenty-three

523 18 0
                                    

third person's pov

"are you really sure about this?" tanong ni donny kay skye. tumango si skye bilang tugon sa kanya. "why? ayaw mo ba?"

kumalas at lumayo si skye kay donny saglit. "okay lang naman, i'll wait." kinuha niya yung gamit niya saka tumungo sa pinto.

tumayo si donny kaagad saka hinila si skye. "no! i mean, i'm ready..."

"oh yun naman pala eh! what's the fuss all about?" hinarap muli ni skye si donny saka sumandal sa likod ng pinto. "baka kasi ikaw ang hindi." naglakad uli papunta si donny sa kama saka umupo.

"ako pa ha?" skye crossed her arms & smirked. "ako na nga nag-aalok eh." she added.

"eh kasi naman eh! nag-iba yung ugali ni cloud! nakakatakot!"

"psh, HAHAHAHAHA. ako ba niloloko mo donato antonio?" umupo si skye sa upuan na malapit sa study table ni donny. "eh halos kayo na nga dati magdate ni kuya, tapos ngayon gaganyan ganyan ka?"

"ho, chill. wag ka magalit. galit ka na eh." biro ni donny. "hay nako talagaaaa"

"basta. next time na." hinalikan ni donny yung noo ni skye saka niya ito niyakap. "when the time has already come."

skye's pov

"SKYE!" sigaw ni kuya mula sa baba. mabilis akong bumaba saka lumapit sa kanya.

nakita ko siyang nakahilata sa sofa't kumakain ng popcorn habang pinapanood yung paborito niyang tv series, criminal minds. buti nga hindi ako naiisipang patayin neto eh.

"aalis ako bukas, balik ko sa monday, bale three days akong wala. may gig kasi kami sa cebu, tapos dadating yung parents nung kaibigan ko, nag-aaya. ikaw muna bahala dito ah? may pera dyan sa may ref, sobra sobra pa yun." bilin niya. kala mo naman mawawala ng tatlong taon, jusko. tumango ako at umupo sa may paanan niya. "ano ba 'tong paa mo!"

"pake mo!? paa mo, paa mo?" sungit. bumangon at umayos siya ng upo. "skye."

"tandaan mo ha, lahat ng gagawin ko para sayo. at kung hindi man, may rason kung bakit ko yun ginawa." ngumiti siya sa akin saka biglang...

humiga ulit.

"hoy! mamamatay ka na ba?! sabihin mo lang! para maayos ko na yung punerarya!" biro ko.

joke lang, Lord. wag. hehe.

hindi ako pinansin ni kuya at panay kain lang siya kaya tumayo na ako. "HOY!" napalingon ulit ako sa kanya at nakita kong nanliliit yung mga mata niya.

"wag mo subukang imbitahin dito si donato at makitulog ah! nako! baka di ka na sikatan ng araw dyan." nakalagay na yung kamay niya sa bewang niya at yung mga mata niya ay nanliliit pa rin.

"ahhhhh, oh sigeeeee." pagpayag ko. "dun nalang kami sa kanila!"

"HOOY!!!!" lalong nanliit yung mata niya sa sinabi ko. napahalakhak ako dahil sa itsura niya pati na rin sa nasabi ko.

"ingat kuya ko!!!! labs pa kita, yieeee" nilapitan ko siya saka niyakap. kumalas ako saka nagfinger heart sa kanya habang paakyat ng hagdan.

shoot.+ donny p.Where stories live. Discover now