Chapter 2 page 7

408K 3.7K 33
                                    

May bisita si Gabriel sa kanyang pribadong opisina at mukhang seryoso ang kanilang pinag uusapan.

“Gusto kong sa lalong madaling panahon makakuha ako ng updates sayo. Gusto ko rin mabigyan mo ako ng mga koya ng litrato ni Althea.” Walang kangiti ngiti nitong wika sa detective na inupahan para alamin ang ibang detalye tungkol sa mapapangasawa.

“Makakaasa ka Sir, within this week may maibibigay na akong resulta sayo tungkol sa pinapagawa nyo.” Sabi ni detective Dela Pena at nagpaalam na sa kausap upang masimulan ang bagong misyon.

Napagdesisyunan ni Gabriel na kumuha ng serbisyo ng isang detective mula sa pinakamahusay na ahensya upang malaman nya ang impormasyon tungkol kay Althea.

Gusto ng binata bago sila magkaharap ng personal ni Althea ay may ideya na sya kung ano ang hitsura nito.

“Bakit naman kasi napaka pribado ng buhay ng Althea na ito? Hindi ko pa rin nakikita na dumalo sa mga social functions na dinadaluhan ng mga magulang.” Parang sira ulong kausap ni Gabriel sa sarili.

Hindi namamalayan ng binata na masyado ng okupado ni Althea ang kanyang isip. Halos wala na rin syang nagagawang trabaho kundi ang isipin kung ano ang hitsura nito at kung bakit pumayag sa kagustuhan ng mga magulang. Para kay Gariel kung matinong tao ito ay hindi papayag sa kasunduan at pag mamanipula ng kanyang namayapang lolo.

Hindi pa man sila nagkakaharap ng personal ay may namuo ng inis sa kanyang dibdib para sa dalaga. 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon