Chapter 40 part 1

282K 3.2K 235
                                    

A/N

Enjoy reading guys, thank you sa comments and vote. May be 2 or 3 more chapters na lang po MUW at matatapos na :) 

Chapter 40 part 1

"Wait Emer, Camille also called me that day bago ka tumawag sinabi rin nya na nakita daw nya si Gabriel and Marian." biglang naalala ni Althea ang araw na yun, sobrang sakit ang naramdaman nya noon.

"Yes, you're right ate kasi I saw her pero agad din syang umalis. Ako I stayed a little bit longer to observe them. Gabriel had a meeting on that restaurant nakita ko kung paano nya iniwan si Marian sa kabilang mesa." pagkukwento ni Emer.

"Wala ka bang napansin na kakaiba?" 

"Umalis na ako ng balikan ni Gabriel si Marian sa kabilang table but I saw that bitch ng tawagin nya ang waiter." nakasimangot si Emer habang inaalala ang pangyayari ng araw na yun.

"Why you didn't tell me ng tawagan mo ako?"

"Kasi naman po you were too emotional that time and you told me na may pinadalang photos si Camille na magkasama si Gabriel at Marian." 

Napabuntong hininga si Althea, parang sumasakit ang ulo nya sa mga nangyayari sa kanila. Akala nya magiging masaya na sila ni Gabriel at magsisimula ng masayang pamilya pero heto si Marian na laging umeeksena. 

"Ate Thea, are you okay?" nag-aalala si Emer dahil alam nito na kalagayan ng pagbubuntis ni Althea.

"Don't worry, I'm fine. Sumasakit lang ang ulo ko."  sumandal si Althea sa headboard ng kanilang kama. 

"I think you should rest first baka kasi ano pang mangyari sa inyo ng baby. Hwag kang mag-alala ate I'll help you but don't  mention it to Dennis aawayin na naman ako nun." 

"Bakit ka naman nya aawayin?" nangingiting tanong ni Althea.

"That guy sabihan ba naman akong pakialamera" nagngingit na sumbong nya kay Althea.

Tuluyan ng natawa si Althea dahil parang nakikita nya ang reaksiyon ng mukha ni Emer habang nagsasalita.

"Ate naman tinatawanan mo pa ako.." nagmamaktol na sabi ni Emer.

"Boyfriend mo na ba sya?" 

"Oh God! ate don't say that, it will never happen." exaggerated na reaksiyon ni Emer.

Lalong napalakas ang tawa ni Althea. "Good catch naman si Dennis ah." pagtatanggol nya sa bestfriend ng asawa.

"I think mag rest ka na muna ate,may mga tatawagan ako para matulungan tayo." putol ni Emer sa pag-uusap nila.

Nang maibaba ni Althea ang telepono ay matagal syang nakatitig sa kisame, she was hoping na matapos na ang kaguluhang ito, napahawak sya sa kanyang tiyan ng may biglang pumasok sa isip nya. 

Halos hindi makagalaw si Althea sa kinahihigaan habang inaanalyze nya ang sitwasyon nila ni Marian. Sa ganong tagpo sya naabutan ni Gabriel. 

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Where stories live. Discover now