Epilogue

386K 4.8K 393
                                    

After 1 year...

Masayang masaya si Althea ng mga sandaling ito, napaka especial ng araw na ito para sa kanya. Ngayong araw na ito ay ikakasal ulit sila ni Gabriel, this time walang pumilit sa kanila.

Ang gusto sana ni Gabriel ay bago sya manganak ay magpapakasal silang muli pero tumutol ang mga magulang nila dahil sa kalagayan ng pagbubuntis nya. Hindi sya pwedeng ma stress at mapagod baka makasama pa sa baby nila. Kaya walang nagawa ang asawa kundi sundin ang mga magulang at biyenan.

Pagkatapos ng pakikipag-usap nila kina Marian ng araw na yun din ay umuwi na sila sa dati nilang bahay. Napangiti si Althea ng makita na walang ginawang pagbabago sa ayos ng buong kabahayan at lalo syang nagulat ng makita ang pinagawang green house ni Gabriel, hindi nya naiwasan ang maluha habang nakatingin sa asawa.

"Maam, sorry po" sabi ng yaya ng anak nila habang hawak nito ang umiiyak na si Dale.

Nagmamadali namang nilapitan ni Althea ang umiiyak na anak, bigla naman syang pinigilan ng make up artist niya. "Maam, masisira po ang make up nyo at magugusot ang gown."

'What do you want me to do? umiiyak ang anak ko." habang ang bata naman ay inaabot ang kamay sa kanya.

Hindi na sya nagdalawang isip, agad nyang kinuha ang anak sa yaya nito.

"husssh, baby tahan na." niyakap nya ito at hinalikan sa magkabilang pisgi. Humagikgik namang bigla ang bata at lalo pang idinikit sa ina ang pisngi nito.

Nang ipanganak nya si Dale Rafael ay lalong nalubos ang kaligayan nya at habang lumalaki ito ay nagiging kamukha nito si Gabriel.

"Hija, hindi ka pa ba tapos?" bungad ni Senyora Alicia at napailing ito ng makita niyang mahigpit na nakayakap si Dale kay Althea.

"Mama, look at your grandson ayaw pa akong pakawalan kaya hindi ako matapos tapos dito." nakangiting sagot ni Althea sa ina.

Nilapitan nito ang apo at hinalikhalikan din, lalo namang humagikgik ang bata. "Akin na muna ang gwapo kong apo baka mainip na si Gabriel sa simbahan." sabay abot nito kay Dale.

Kanina pa si Gabriel sa simbahan at makikita sa mukha nito ang excitement, ngayong araw na ito pakakasalan nyang muli ang babaeng pinakamamahal nya. Akala nya noon ay hindi nya kayang magmahal ng ganito at mas lalo nyang minahal si Althea ng ipanganak nito si Dale which is 7 months old now. Lalong lumuwag ang pagkakangit ni Gabriel ng maalala ang anak.

"Dude, bakit wala pa ang bride?" nakakunot ang noo ni Dennis ng lapitan sya.

"Bakit ba nagmamadali ka? parang ikaw naman ang groom." nakangising baling nito sa kaibigan.

"Gusto ko ng matapos agad ito para makabalik na agad ako sa Manila." nakasimangot itong nakatingin kung saan.

Nakita ni Gabriel na kay Emer nakatingin si Dennis habang masayang nakikipag-usap ito sa ate. Umuwi sa Pilipinas sina Emily kasama sina Mr. and Mrs. Campbell para makadalo sa kanilang kasal.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Emer? I thought everything were fine ng huli tayong mag-usap." tanong ni Gabriel.

"Ayokong pag-usapan ito." at bigla na lamang nanahimik sa tabi ni Gabriel at masamang tingin ang pinukol nito sa dalaga.

"I know one day malalaman ko rin yan." nakangiting sabi ni Gabriel.

Lumipas pa ang ilang sandali kinabahan na rin si Gabriel, wala pa si Althea. Ayaw nyang mag-isip ng negatibo. Hindi nya namalayan nalapit na sa kanya ang kanyang Papa.

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon