Chapter 2 page 10

409K 3.7K 9
                                    

"Naguguluhan ako sa sitwasyon nyo. Kasi ayaw mong pumayag si Althea na maikasal kayo pero ikaw ang nangangailangan ng tulong nya para sa iyong mana." Nakakunot ang noo nito.

"Kung hindi papayag si Althea na makasal kami pwede kung mahabol sa korte ang mana pero ngayong pumayag na sya wala akong dahilan para hindi ituloy ito."

'I think it's about time na rin mag settle ka. Alam kasi ng lolo mo ang mga kalokohan mo especially pagdating sa mga babae."

"I don't know kung saan ang patutunguhan nitong sitwasyon naming."

"I heard na mamamanhikan ka sa isang araw."

"Yes, kasama yun sa kundisyon ng lolo."

"Hmm hmm"

"Ano na naman yang naglalaro sa marumi mong isipan." Sita ni Gabriel sa kaibigan.

"Ibig sabihin makakaharap mo na si Althea. Baka naman pare pag nag kita kayo sa personal titigan mo lang sya." Lakas ng tawa ni Dennis.

"Gago! Sanay ako sa mga magagandang babae. At sila ang humahabol sa akin."

"Ano nga pala ang plano mo sa kasal nyo?"

"I'm gonna give her the best wedding just to satisfy them."

"Alam ko naman na hindi papayag si Senyor Rafael na basta bastang kasal lang para sa unica hija nya.' Patuloy ni Gabriel.

A.N.
Please support my audiobook in yt (terelou1220).

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon