Chapter 3 page 6

396K 3.5K 10
                                    

"Siguro mas magandang pag usapan na natin ang kasal ang habang kumakain." Hindi na nakapag pigil si Gabriel.

Kitang kita ni Althea ang authority sa tinig ng mapapangasawa.

"Ano ba ang plano mo hijo." Malumanay na tanong ni Senyor Rafael.

"Kung maari sana gawin na lang nating simple ang kasalan." Sabat ni Senyora Alicia.

Umiiling si Donya Marcela. "Nag iisa natin silang anak and Althea deserves the best wedding."

Napapabuntong hininga lamang si Althea dahil parang wala syang karapatang mag desisyon sa sarili nyang kasal.

Si Gabriel naman ay matamang inoobserbahan ang dalagang katabi.

Kung kagandahan lamang ang pag uusapan walang binatbat ang mga babaeng nakarelasyon nya.

Kinastigo ni Gabriel ang sarili, ayaw nyang makaramdam ng anumang paghanga sa dalaga.

Nakikita ni Althea na pabago bago ang emosyon ni Gabriel. Medyo kinakabahan sya sa hahantungan ng sitwasyong ito.

"Bakit hindi nyo tanungin ang mga bata, kung ano ang gusto nila." Masiglang wika ni Don Roberto.

Sumagot si Althea. "Kung ako po ang masusunod gugustuhin kong simpleng kasalan na lamang."

Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Althea ng sya ay magsalita.

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Where stories live. Discover now