CHAPTER 6 PAGE 3

391K 3.2K 15
                                    

Hindi maintindihan ni Gabriel ang sarili sa mga sandaling yun. Matapos iwanan ang kaibigan sa isang bar sa Makati ay pinaharurot ang sasakyan pauwi.

Galit na galit sya ng malaman nya na may gusto ang kaibigan sa asawa.

Pagdating sa bahay ay nagmamadaling umibis sa sasakyan.

Gabi gabi ay sadyang hinhintay ni Althea si Gabriel hindi sya natutulog hangga’t hindi ito dumarating. Nagulat sya ng marinig ang ugong ng sasakyan nito dahil maaga pa sa karaniwang uwi nya nitong nagdaang dalawang buwan.

Halos mapalundag sya sa hinihigaang kama ng makarinig ng malalakas na katok.

“Althea! Buksan mo ito.” Sumisigaw na si Gabriel.

Kinakabahang binuksan ni Althea ang pinto.

Hindi pa man nabubuksan ang pinto ng tuluyan ay nagmamadaling tinulak na ito ni Gabriel.

Pagpasok ay walang kaabog- abog na hinaklit sa bewang ang asawa at simulang halikan ng marahas.

Tigalgal si Althea ng simulan syang halikan ng asawa. Mula ng isakasal sila ay wala pang nangyayari sa kanila. Pinangarap din naman nya na makulong sa mga bisig nito pero hindi sa ganitong paraan.

Nang maramdaman nya ang mararahas na halik ni Gabriel ay pilit syang nanlalaban pero sadyang malakas si Gabriel.

“Gabriel, ano ba!?” ng makawala sya sa mga halik nito mahahalata ang garalgal sa tinig nya.    

Millionaire's Unwanted wife ( Published under SUMMIT MEDIA)Where stories live. Discover now