Prologue

15 2 0
                                    

Lumabas ako ng kotse at kinuha ang bag ko. As usual madaming nakatingin sakin at kung ano ano ang pinagsasasabi.

"Rin!" Sigaw ng kaibigan ko na lalake na si Nathaniel Blaster.

"Long time no see." Sabi ko. Mahigit sampung taon na ang nakakalipas simula ng magkita kami. Kaming lahat.

"Tara, pasok na tayo sa loob." Sabi nya. Hinatak nya ako papasok sa University, nakuha ng attention ko ang mukha ng isang babae na nakangisi sakin.

"TINA! ANDWAE HINDI MO KAMI IIWAN!"

"Shit!" Bigla kong nasabi.

"Ommona anyare sayo?" Sabi ni Nathaniel.

"Wala, mga kung ano ano lang ang naririnig ko." Sabi ko sakanya.

"Sabi mo e. Tara sa canteen, mukhang hindi ka pa kumakain." Sabi nya at hinatak nya ako papuntang canteen.

Tinignan ko ang mga pader, madaming medalya ang nakasabit, mga trophies na simula 1996 pa ang mga ito na hanggang ngayon ay meron pa rin silang trophies. Mga tao na nakapasa at nag-graduate sa university na ito, nasaan na kaya sila at mukhang hindi sila ganun ka kilala. Malamang hindi naman sila sikat, nakaw pansin kong nakita ang isang babae na nakatingin sakin na parang gulat ito.

"Anong gusto mo? Libre ko." Natauhan ako sa sinabi ni Nathaniel.

"French Fries at burger shapwat na sakin." Sabi ko at tumawa kaming dalawa.

-.-.-.- Someone -.-.-.-

"Ba't naka ngisi ka na parang ewan?" Tanong sakin ni Kean.

"Ilan ang mga bagong estudyante dito sa academy na ito?" Tanong ko sakanya. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Twenty one, bakit?" Sabi nya. Tama nga ang hinala ko, agad kong tinawagan ang President ng University at sinabi ang mga nalaman ko ngayon.

"Very well V.P. The games are already settled. No wonder this University is very mysterious and it was name as Secret University." Sabi nya at binaba ang tawag, ngumisi ako at tumawa ng nakakaloka.

"No matter what you do. Everyone will die once again" Sabi ko, as always they will look at me in mystery.

"Nababaliw ka na naman" Sabi ni Kean at napasapo sa ulo nya, it's fun being a mystery one, alam mo lahat ng sikreto at mga ka alaman ng nga taong bagong pasok dito.

Pumasok ako sa office ko. Vice President MyeonLi ang nakita ko sa lamesa ko, it's official that i am the vice president of this secret university.

"I'm serving the vice president, AGAIN." Sabi ng isang lalake, tinignan ko sya mula paa hanggang ulo. Shit!

"Nabuhay ako. Nabuhay ako." Ulit nya, paano?

"At hindi maganda ang kinalalabasan ng taon na 'to ang mangyayari." Sabi nya, tinignan ko sya.

"Hemomancer ang panibagong sikreto." Sabi nya.

- - - -

Secret UniversityМесто, где живут истории. Откройте их для себя