Chapter 3

5 2 0
                                    

Rin's P.O.V

Habang nakaupo kami hindi ako makapaniwala na ang daming libro, parang isa itong napakalaking library pero malawak ang space.

"Ang kyut kyut nya." Sabi ng Principal habang nakatingin sakin.

"Ano ba problema mo?" Tanong ni MyeonLi sa Principal.

"I heard that Khayne don't know her power and her user. And i believe that Snow has it." Sabi ng Principal habang nakatingin saming dalawa ni Snow.

"Wag kang maingay." Sabi ni Kean.

"I won't I promise, I already see the future na kahit anong gawin ni Snow ay lalabas pa'rin ang kanyang kapangyarihan at malalaman ng Buong Class A at Buong Spade Building." Sabi ng Principal.

"Pero don't worry hindi ka magiging si Elsa na hindi kayang kontrolin ang kapangyarihan, mas malala ka pa kay Elsa kasi kahit anong gawin mo ay hindi at hindi mo kayang maikontrol ang iyong kapangyarihan. Isang payo ng isang kaibigan lamang ang makakapigil sa'yo. Ui hindi kita tinatakot, advance learning about yourself lang. Wag kang magagalit sakin luh." Sabi ng Principal.

"Wag po kayong mag alala, siguro nga po at tama ang sinabi nyo na hindi ko makontrol ang aking kapangyarihan, salamat po sa pagsabi sakin." Sabi ni Snow at ngumiti.

"At ikaw naman Khayne, wag kang magagalit kahit kanino pag nalaman mo na ang tunay na ikaw ah? O, para sayo nga pala itong weapon na 'to." Sabi nya at binigay sakin ang isang magical staff.

"Daming sat sat, just spill it already!" Sabi ni MyeonLi at tinutok ang baril sa principal.

"Royalties and SSC will have a major Mission. Kasama si Kaira at kayong tatlo." Sabi nya habang nagt-type sya.

"Pero may Mission sila Zein." Sabi ni Kean.

"Mas mahirap mission ngayon kaya kasama sila atsaka isasama nyo si Khayne para malaman nya rin kahit papaano ang sarili nya ng konti." Sabi ng Principal.

"WE ARE BACK!" Biglang sigaw ng isang lalake.

"May mission ulit kayo." Biglang sabi ni Snow.

"What is it? Para matapos na itong mission na ito, nakakainis na ah." Sabi ng isang babae na kamukha ni MyeonLi.

"MyeonNi just die already." Sabi ni MyeonLi

"WAE YOU GOTTA BE SO RUDE TO ME MY DEAR TWINNYYYYY" Sigaw nung MyeonNi

"Pagbilang ko ng tatlo nasa tapat na kayo ng gate, except kay Khayne." Sabi ni Principal, wala pang binabanggit na numero ang principal ay wala na sila sa office.

"Tatlo." Biglang sabi ng principal at wala na kami sa office kundi sa tapat ng gate, makikita mong nagsasabunutan si Nathaniel at si Snow, nagpapataya ang iba, nakita ko sa gilid si Kaira.

Nakasalamin sya at makikita mong nerd sya pero makinis ang mukha at walang brace, nakayuko lang sya habang naghihintay.

"Maduga ka MyeonLi." Sabi ng Principal, nasa tabi na agad namin si MyeonLi.

Kean's P.O.V

"Tulog si Rin ang kyut hahahahahahahahaha." Sabi ni Snow habang tinitignan si Rin.

"Tatlong araw pa bago tayo makapunta dun sa lugar na iyun." Sabi ni MyeonLi.

"Mahaba habang byahe sa tren, ina antok na rin ako. Geenayt guys." sabi ni Snow at natulog na.

"Winter paano mo nakontrol kapangyarihan mo?" Tanong ko.

Siya si Prince Winter Colder Sworn.

"Madali lang ang kapangyarihan ko kaya nakokotrol ko ng maayos, atsaka snow lang ang main type ng power ko. Kumbaga kaya kong gumawa ng snow ball, falling snow basta related sa snow." Explain nya.

"Edi related pala sayo si Snow." Sabi ko.

"Shut up, hindi ganun." Sabi nya.

"Eh si Frost?" Tanong ko.

Si Frost ay si Prince Frost Colder Sworn.

"Si Frost kaya nyang mag freeze, pag may tubig na malapit nagagawa nyang mag freeze. Atsaka may mas malakas saming dalawa ni Frost, ang sabi ni mommy pinanganak sya sa Ice Village." Explain nya.

"Ipinanganak ako sa Ice Village, ang nanay ko ay si Queen Issabel at ang tatay ko naman ay si King Noirel."

"Ok ka lang?" Tanong sakin ni Winter.

Posibleng si Snow ang susunod na maging reyna ng lamig. Pero paano nya makokontrol ang kapangyarihan na iyun? Ni hindi nya nga kayang ipakita ang kapangyarihan eh.

"Pag nagsanib pwersa ang mga malalakas malalaman nila kung nakanino ang malakas na kapangyarihan, diba sabi mo Kean isa sa memorya mo ay nawawala? Diba ang sabi mo sa panaginip mo na minsan may binabanggit na pangalan?" Sabi nya, "At hindi mo kilala kung sino ang mga magulang mo." Dag dag nya.

"Matagal na akong tumigil kakahanap ng nawawala kong memorya, tumigil na din akong hanapin ang mga magulang ko pero simula nang may dumating para nagkaroon ako ng sigla, siglang hanapin ang mga nawawala sakin." Sabi ko.

"HOY TULOG NA ANG INGAY NYO!" Sigaw ni Erean.

"Opo tay, mamaya na po." Biro ni Winter kay Erean.

Si Erean ay si Prince Ethereal Blaze Insegnus, ang kapangyarihan nya ay apoy.

"Good night!" Sabi ni Winter at humuga na sa tabi ni Frost.

Nasa tren kami at itong treb ay parang hotel, may sampung kama ang nandito, dalawang tao lang ang kaya ng kamang to kaya yung iba ay sa lapag na nakahiga.

May kusina din dito at dalawang banyo, dahil sa madami kami kaya dalawa ang banyo.

Tinignan ko si Rin na katabi ni Snow, kanina pa siya natutulog dahil naglakad kami patungo sa Tren.

'Sino ka ba talaga?'

MyeonLi's POV

Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko, tinignan ko ang paligid ko at sumunod sa bintana. Tinignan ko ang orasan at 2:00 am pa naman, tinignan ko ang katabi ko na si MyeonNi, wala pa ring pinagbabago simula nung nangyare noon.

Na alala ko ang mission namin, pupunta kami sa isang University, isang normal na University kung saan Rich and Bitch ang mga tao. Mga hambog na lalake at babae pero pag naglabas ka ng patalim mga duwag.

Napabuntong hininga na lang ako sa gagawin namin duon sa University na yun. Ang gagawin lang namin ay mag aral ng dalawang buwan, dapat may makilala kaming isang grupo ng mafia. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Headmistress kung bakit ganun ang mission namin.

Bumangon ako sa kama at pumunta sa terrace ng tren.

"Hindi ka makatulog?" tanong nya, hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa ulap.

"Mukhang galit ka pa 'rin sakin." sabi nya at nagulat ako sa ginawa nya.

WHAT THE ACTUAL FACT.

Rin's POV

Nagising ako dahil para bang may narinig akong nagsasalita, tinignan ko silang lahat at mahimbing na natutulog. Lumingon lingon muna ako hanggang sa nakita kong nakabukas yung sa terrace ng tren.

'WHAT THE ACTUAL FACT.'

Nagulat ako sa sigaw na yun pero halos lahat sila tulog, tatayo na sana ako ng makita ko si Snow na nagising sa kilos ko.

"Narinig mo?" Tanong nya at tumango ako.

"Mukhang may natutunan ka ngayong araw." Sabi niya at bumangon, "Try mong ipasok ang mga narinig mo sa isang imahinasyon at may makikita mo kung sino ang nagsalita." dag dag niya at ginawa ko ang sinabi niya.

Pinikit ko ang mga mata ko at inulit ang mga narinig ko kanina--

"Na-nag-nagh-" Nauutal na sinabi ko.

"Tama ang nasa imahinasyon mo, matulog ka na ulit, kekekekekekeke." Sabi ni Snow at humiga sa kama.

Nakakabaliw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon