Chapter 2

7 2 0
                                    

Rin's P.O.V.

"Rin, Gising na."

Minulat ko ang mga mata ko at dahan dahan bumangon.

"Eto nga pala ang mga school uniform mo." Sabi ni Snow, tumango na lang ako at kinuha yung damit.

"Paano ba yan, mauuna na akong umalis kokopya pa ako ng assignment bye!" Sabi nito at umalis. Agad akong umalis sa kama at nag ayos, pumunta ako sa lamesa at nakita ang nakahandang pagkain at may sticky note na nakalagay 'For Rin: eto na lang ang pagkain na nagawa ko, nakalimutan ko kasing bumili ng mga ulam eh hehehehehe <3'

Kinain ko naman yun at naligo na, tinignan ko ang orasan at medyo maaga pa kaya nagbasa muna ako.

Ako nga pala si Khayne Raine Christine Izsheffle Scott, ipinangalan sakin ni auntie iyan. Baby pa lang ako si Auntie na nag aalaga sakin, ang sabi nya nasa panganib daw ang mga magulang ko kaya ibinigay nila ako kay auntie. May time rin na naririnig kong umiiyak si auntie, minsan napapaisip na lang ako kung bakit sa ganitong paaralan nya ako ipinasok.

Nakakatakot isipin na baka mangyari ulit yung dati, yung tipong nabubully ako. Lagi nila akong ina away dahil sa hindi ko alam ang rason nila, yung iba naiinggit dahil iba daw kulay ng mata ko, makinis ang balat ko, matalino ako kaya nila nagawa iyun.

Minsan narinig ko si auntie na nagsasalita syang magisa na para bang may kausap, minsan ang sinasabi nya ay 'May kapangyarihan sya na galing sa kanyang ina' hindi ko alam kung kanino pero ang nasa isip ko ay yung pamangkin nya.

Tumigil ako sa ginagawa ko at tinignan ang orasan, mukhang kailangan ko ng pumunta sa klase. Agad akong tumayo ay umalis sa kwarto, habang naglalakad madami ang nakatingin sakin

"Guys pustahan mahina lang yan."

"Itsura pa lang eh, parang si Isnoshi lang. Ang hina ng class pero nakapunta sa Class A"

"How came an ordinary woman become a special one."

"Guyth kamukha nya yung anak nila Queen at King."

"Ang layo naman bulol."

Pumasok na ako sa classroom at natahimik ang buong paligid, nakita ko si Snow na kumakaway kaya pumunta ako sa kanya.

"Katabi ka namin ni Niel hehehe." Sabi nya at umupo ako sa tabi nya.

"Good Morning Rin!" Sabi ni Nathaniel, tumango na lang ako sakanya.

"Wala pa 'ring pinagbago sa'yo, ikaw pa 'rin ang dating Rin na kilala ko." Sabi nya

- Fast Forward -

Nagpakilala na ako sa klase nung pinagsabihan ako ng adviser ko, maraming natuwa, nagsibulungan at mga walang pake.

Ngayon ay Break time na namin at nasa canteen kami nakatambay, dalawang oras lang naman ang break time namin, mahaba habang pagpapahinga.

"Malapit na ang PE natin!" Sabi ni Snow habang nagbabasa ng libro.

"Snow magtapat ka nga." sabi ni Nathaniel.

"Isang element ang kapangyarihan mo diba?" Bulong ni Nathaniel.

"Haist. Mukhang nalaman mo ng maaga, wag kang maingay ah? Ikaw din Rin. Kayo lang ang nakaka alam nun." Sabi nya.

"Yo!" Sabi ni Kean at umupo sa tabi namin.

"Kean! Bakit wala pa si Prince Takaya? Si Prince Red? Si Prince Xyrost? Si Prince Erean? Si Prince Cloud? Si Prince Zyrone? Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ni Snow. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Prince? So ibig sabihin may mga Princess din dito?

"Wag kang maingay Snow, hindi alam ng buong University na Prince ako. Atsaka andito din kaya si Princess Munle" Sabi ni Kean.

"Malamang kalahati ng University ay mga normal na tao lang ang nadito. Mabuti nga at malaki tong university." Sabi ni Nathaniel.

Lima ang building ng University na ito, yung isa ay Main Building. Mga Normal na studyante ang mga nandito at bihira lang dumalaw ang mga may kapangyarihan gaya nila Snow, yung dalawang buildong ay para din sa mga Normal na tao habang yung dalawa naman ay para samin, madami kasing studyante na nage-enroll dito kaya madami ang building. Sa ngayon kasi nasa Main Building kami at--

"Problema mo Kean?" Tanong ng isang babae, maiksi ang buhok nito na abot hanggang dib dib at walang emosyom ang mata.

"Porket binanggit pangalan mo may something, pshhh." Sabi ni Kean.

"Tsk, sinayang mo lang oras ko pumunta dito." Sabi ni Munle.

"Diba nasa isang building ka at sa third floor? Sira ang elevator pero nakapunta ka pa rin dito." Sabi ni Nathaniel.

"Remember speed is my master and hearing is my special." Sabi nya at umupo sa tabi ni Kean.

"Sorry." Biglang sabi nya habang nakatingin sakin.

"Ako nga pala si MyeonLi Kim, Vice President ng Secret University--" Naputol ang kanyang sinasabi ng biglang may mag announce through speaker.

"Due to Faculty meeting, there will be no classes today until friday."

"Swerte nga naman." Sabi ni Nathaniel.

"Problema ng ating President?" Sabi ni Kean.

"Puntahan natin ang principal muna." Sabi ni MyeonLi, agad siyang tumayo at naglakad, nagsitayuan din kami sa upuan namin at sinundan sya.

Ng makarating na kami sa Office, walang galang na binuksan ni MyeonLi ang pintuan at iniluwa ang isang babae na mukhang 30 na sa kanyang edad.

"MY DEAR MUNLE AND KAN KAN! PAYNALE YUR HIR! HELLO SA INYONG TATLO, MAUPO MUNA KAYO AT MAY SASABIHIN AKO." Sabi nya, nakita kong nakahanda na ang baril ni MyeonLi at nakatutok sakanya dahil sa gulat.

Kakaiba.

Secret UniversityWhere stories live. Discover now