Chapter 1

12 2 0
                                    

Chapter 1 - Coincidence?

- - - -

"Nathaniel, pwede mo ba akong samahan? Sa Class S-A kasi ako eh." sabi ko sakanya, tinignan nya ako na parang nagtataka.

"Class S-A? Tama ba 'yang nakasulat sa papel mo? Baka niloloko mo lang ako." Sabi nya, agad kong kinuha ang papel ko at ipinakita sakanya. Nakasulat ang buong pangalan ng principal at ang signature nito.

"Sino nag enroll sayo dito?" Tanong nya na parang kumukuha ng impormasyon.

"Nanay ko. Bakit? Anong meron?" Tanong ko sakanya, naguguluhan na ako.

"Tara. Samahan muna kita sa Dorm para mailagay mo ang mga gamit mo at ig-guide nadin kita." Sabi nya, agad akong tumango at sinundan sya habang hawak hawak nya ang papel ko.

Room 5620 ang room ko, sabi ni Nathaniel sakin na kada room ay may room mate 1-1000 uma abot ng apat na room mate 1001-2000 ay umaabot ng tatlo habang ang 2001-6000 ay uma abot ng dalawa.

Nang makarating kami sa harap ng pintuan ng Room ko biglang bumukas ito at ipinakita ang isang babaeng puti ang buhok at medyo mahaba ito na uma abot hanggang bewang.

"HELLO!" Bati nya samin.

"Hello Shi!" Bati naman ni Nathaniel sakanya. Agad akong hinatak nung 'Shi' na 'yun sa loob ng Room

Woah.

"Ako na ang bahala sakanya! Bye bye!" sigaw nya at sinarado ang pinto ng malakas.

Napakaganda ng dorm na ito. Maraming libro ang mga nasa Book shelf, mga picture na naka ayos, meron na ding kitchen room at puno ng mga kagamitan ang mga ito.

"Nagustuhan mo ba? Madumi ba? Pasensya na kung madumi, mahilig kasi akong magbasa ng libro." Sabi nya at ngumiti sakin.

"Nga pala anong class mo?" Tanong nya sakin.

"Class?" Tanong nya sakin.

"Eh? Like Swordsman, Witch, Elemental, etc. Or hemomancer" Sabi nya.

"Uhmm.. Hindi ko alam eh" Sabi ko at napakamot sa batok ko.

"Paano ka nakapag enroll dito? Kahit isa wala kang alam?" Tanong nya sakin.

"Nanay ko ang nag enroll sakin. Hindi ko alam kung bakit." Sabi ko sakanya, inayos ko ang mga damit at mga gamit ko.

"Ahh... Nakalimutan kong magpakilala, ako si Isnoshi Yuki Javier, ang class ko ay hindi lang isa kundi madami dahil madami akong kayang gawin. Yung iba ay turo lang sakin habang yung iba ay nasa akin na mismo." Sabi nya habang nakatingin sakin. Hindi ko sya maintindihan, wala akong alam sa mga sinasabi nya.

"Hindi mo siguro ako maintindihan. I can read people's mind, i can know people's power not unless you are a normal human i can't guess it. I also cast spells and create magic, i am also one of the hemomancer but D type since hindi ganun ka lakas ang kapangyarihan ko pero nilagay ako sa Class A dahil nakakatulong ako." Explain nya sakin.

"So alam mo ang kapangyarihan ko?" tanong ko sakanya.

"Hindi eh." Sabi nya sabay kamot ng batok nya.

"Pero ang totoo nyan alam ko, hindi ko pwedeng sabihin baka masira ang pagkatao mo." Dag dag nya sa akin, gusto kong malaman kung ano iyun.

"Atsaka ang totoo kong power ay isa sa pinakamalakas, hindi alam ng buong university iyun dahil ang alam nila ang common power na ginagamit ko." Sabi nya sa akin.

"Tara! I will be your tour guide today." Sabi nya at sinundan sya.

-.-.-.-.-.-.- Kean's P.O.V -.-.-.-.-.-.-

Habang naglalakad sa loob ng university, hindi ko maiwasang pumunta sa canteen. Why? Kasi limang oras na ako naglalakad sa university, tinitignan kung may kailangan bang baguhin, may nadagdagan na kwarto, may lumaki ba sa library.

"O, hijo. Parang tatlong taon na ang nakakalipas simula ng magkita tayo, dati ordinaryong buhay lang ang meron ka at ordinaryong schedule. Ngayon busy ka na simula ng malaman mo na may kakaiba sa iyo at sa inyo." Sabi ni Manang

"Oo nga po eh. Naging hectic na rin ang schedule ko simula ng nawala na sila, ako na din ang pumalit sa kanila. Nakakalungkot isipin na hindi man lang sila nag paalam at dinamay pa ang mga dapat pang mabuhay." Sabi ko

"Nako hijo. Malakas ang iyong galit, o heto sinigang na hipon, pampawala ng pagod at inis na meron ka." Sabi ni Manang.

"Totoo ngang tatlong taon na ang nakakalipas." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Habang kumakain nakita ko si Snow na may kasamang babae, agad ko naman silang pinuntahan.

"Snow!" sigaw ko

"Ahh..." Sabi nya, agad syang lumayo sakin at ang kanyang kasama, "Hey what's wrong?" Sabi ko, i quickly touch her shoulder, my skills is touching people at malalaman ko na ang future at past nila, even their secrets unless it was sacred by their magic then i will never know their secret.

Hindi sya umiwas ng hinawakan ko sya, "Is this how people talk to strangers?" Tanong ng kanyang kasama.

"Niel, what's with Rin? Bakit napakalakas ng aura nya?"

"Hindi ko alam Shi, maski ako naguguluhan. Ang akala ko ay ordinaryong tao lang sya kaya inimbitahan ko sya dito sa university na ito pero nagkakamali ako, nilagay sya sa Class S-A"

"Parang may posibilidad na may mangyare---"

"Ah Kean! Bagong studyante nga pala, sya nga pala si Khayne Raine Christine Izsheffle Scott, in short Rin." Sabi ni Snow

"Ahhhh mukhang may nakatalo na sa mahaba kong pangalan, Khean Khylle Kurt Christian Stanford nga pala." Sabi ko at inilahad ang kamay ko sakanya, tinanggap nya rin yun at BINGO!

Ngumiti ako sa kanya, maraming imahe ang pumasok sa isipan ko ng hinawakan ko sya. Gaya nga ng sinabi ko kaya kong makita ang nakaraan at hinaharap ng mga tao pag hinawakan ko sila.

"Rin isa pala sya sa SGO at SC, ibig sabihin ng SGO 'Student Government Organization' at ang SC naman ay 'Student Council'" Paliwanag ni Snow

"Anong pinagkaiba nun?" Tanong ni Rin

"Etong university ay hindi lamang sa mga studyante na may kapangyarihan, may mga ordinaryong studyante din na nandito, ang SGO ay para sa nga ordinaryong studyante habang ang SC ay sa mga may kapangyarihan." Wika ko.

"So ibig sabihin kaya nyong mag handle ng dalawang posisyon?" Tanong nya, "Nope, pwera lang sakin at yung president ng school na ito, hindi naman ganun ka hirap kung nakasanayan mo na. Naging messenger lang ako kasi madami akong naririnig na katotohanan at minsan ay nanduon ako sa pangyayari dahil lagi akong naglalakad minsan ay talagang nilalakad ko ang buong building, ina abot ako ng tatlong oras at uulit na naman ako sa paglalakad. In short trip kong maglakad." Sabi ko, halos hindi makapaniwala si Snow sa sinabi ko. Sampung taon na kaming magkakasama parang ngayon lang nya ako nakilala, haist.

Biglang tumunog ang bell ng mga ordinaryong studyante at mga nagsitakbuhan sa nga kanilang pwesto, ang iba ay sa counter nakipaghabulan.

"Mukhang break na nila, mamaya na ulit tayo magusap. Bye bye!" Sabi ni Snow at umalis na sila.

"STAY AWAY KHEIANA, KHEAN WATCH KHEIANA AND LEAVE THIS KINGDOM AT ONCE!"

"No no no, Khean if you leave this place you will never save your younger sister. Sinusumpa ko si Kheiana na mawalan ng ala ala at mawala dito sa mundong ito at sa mundo ng nga tao sya mapapadpad,  ibang pangalan lamang nya ang ma-a-alala nya."

"Bullsh*t this f*cking sh*t who-ever-you-are but remember sinusumpa ko din na balang araw ay unti unting babalik ang ala ala ni Kheiana tulong ng Mafia at mga Gangster, mga Malalakas na kapangyarihan."

Agad akong natauhan ng may kumausap saakin.

"Pre, ayos ka lang ba? Parang binuhusan ka ng sampung timba." Sabi ni Jeff

"Wala to, sige aalis na ako." Sabi ko at umalis.

Sino ka ba? Bakit narinig ko ang pangalan ko?

Secret UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon