CHAPTER 1 - RAIN

1.1K 25 0
                                    

Kino's POV

"Hindi ko maintindihan kung bakit ang dali para sa iba na iwanan yung mga taong nagmamahal sa kanila ng sobra. May mga bagay talaga na kahit anong ingat ang gawin mo, pwede pa ring mawala. Sa tingin ko, sobrang sakit na mawala sayo yung taong tinuturing mo na kakabit ng buhay mo. Tama siguro yung mga nababasa ko na kung sino pa yung mga seryoso, sila pa ang madalas na niloloko. Sa dami siguro nila makakabuo sila ng isang bansa, pero sigurado ako isang planeta ang mabubuo ng mga manloloko. Hindi ako niloko at hindi din ako nanloloko pero naiirita lang ako kung bakit ba kailangan pa na masaktan yung mga gusto lang magmahal at mahalin. Kung pwede ko lang silang mahalin lahat ginawa ko na kaso ako naman ang magmumukhang manloloko. Haha!"

"Tapos ka na?"

"Hindi mo ba nagustuhan?"

"Titigan mo ako sa mukha. Ano sa tingin mo?"

"Hahaha! Tingin ko wala ka ng pag-asang tubuan ng pagmamahal."

"Mabuti alam mo."

"Kino"

"Alam ko pangalan ko."

"Kailan kaya kita makakausap ng matino?"

"Aba, malay ko. Siguro kapag matino na din mga pinagsasasabi mo."

"Hahaha! I love you!"

"I love you'hin mo mukha mo. Ang pangit mo!"

"Edishing. Ikaw na! Pwede magpa-autograph idol?"

"Akin na pentelpen. Saan ba sa ngipin mo?"

"Hahahahaha! Ang sarap mong murahin"

"Wala kang kwenta kausap."

"Ano ka pa kaya?"

"Nagugutom na ako, Tine."

"Lord, kailan ko siya makakausap ng matino!? Luluhod ako ngayon sa harap niyo."

"Sabi ko gutom na 'ko."

*sobbing* "Please, Papa Jesus. Gusto ko ng umiyak. Maawa naman po kayo."

"Haaaay! JUSTINE! Ano ba?! GU-TOM-NA-A-KO!"

"Kumain ka mag-isa mo."

"Okay. Alis na ko. Tumawag ka na lang mamaya."

"Hoy! Kino Simon /Sai-mon/ Hue/Hyu/ Ramos! Baka nakakalimutan mo. Ako bestfriend mo!"

"Ni hindi ko nga alam."

"Tokneneng at pugo ka!" tsaka niya ako piningot gaya ng parating niyang ginagawa.

"Hahaha! Aray! Aray! Oo na. Eto na. Aray!"

"Okay ka na?"

"Namo ka!"

"ANO?! ULITIN MO NGA!"

"Sabi ko NAMO KA! Hahaha!" sabay takbo para sa buhay ko.

"Bumalik ka dito! Walang hiya ka! Tatadtadin ko yang dila mo ng pinong-pino!"

Author's POV

Kino. Kino Simon Hue Ramos...

19 years old at graduating BS Psychology student sa Memorial Han Palace Academy. Kilala sa academy dahil sa gwapo ito at ang pamilya niya ang isa sa mga stock holder sa institusyon. Kilalang masungit at magagalitin. Mailap sa ibang tao dahil ayaw niyang tinatratong special ng ibang estudyante.

Tine. Justine Nuñez...

20 years old at graduating BS Psychology student sa parehong paaralan. Maganda at kilala sa academy. Kagaya ni Kino, isa ang pamilya niya sa mga stock holder. Masayahin at palakaibigan pero madalas mataray sa iba. Siya ang tinuturing na bestfriend ni Kino dahil nagkakasundo sila sa madaming bagay.

PRINCE for a PRINCEWhere stories live. Discover now