CHAPTER 2 - SPARK

392 12 0
                                    


Kino's POV


Dahan dahan ko siya inakyat dahil sa paa niya. Hindi ko malaman sa sarili ko kung paano ko nagagawa to ngayong alam ko na dapat na akong umalis.

Hindi siya kumikibo. Nakayuko lang siya kaya walang sumasagi sa isip ko kung ano nga ba ang iniisip niya. Hindi ko din maisip kung bakit hinahayaan niya lang ako.

"Konti na lang."

Ilang hakbang na lang bago kami maka-akyat. Kahit man lang sana magsalita siya o sabihin kung ano ba talaga nangyayari. Kasi ako, hindi ko na din maipaliwanag.

"Salamat."

Napatingin ako sakanya sa sinabi niya. Kahit papano nagkaroon ng saysay kung ano man ang nangyayari ngayon. Alam ko na kailangan niya din ng kasama. Sa 'salamat' na sa sinabi niya, para bang naramdaman ko na wala akong dapat isipin ngayon kundi siya lang.

Pagka-akyat namin, tinanong ko siya kung ayos lang na dito muna kami habang umuulan pa.

"Ayos lang ba kung dito muna tayo habang umuulan pa? Kailangan mo din ipahinga 'yang paa mo."

Tumango siya ng marahan.


Hinawi niya yung buhok niya na medyo tumatakip sa mata niya. Ito yung unang galaw niya na walang halong alinlangan. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo.

Bigla siyang tumingin sa'kin kaya nakita niya ko. Inalis ko agad yung tingin ko. Medyo awkward kasi nga akbay ko pa siya. Napayuko na lang ako. Hindi ko alam kung nakatingin pa siya sakin. Nagulat ako dahil sa mata niya, ang ganda. Para bang nangungusap yung mga tingin niya. Diretso yung tama ng mata niya sa'kin, matalim pero maamo.

Nakayuko pa rin ako. Napansin ko na nakaitim siyang damit. Bumagay sa puti niya at katawan niya. Na wiwirdohan na ko sa sarili ko kung bakit pati yun napapansin ko. Pero patuloy pa rin na naiisip ko yung mga katangian niya. Magaan lang siya at mararamdaman mo yung pagkahinahon niya.

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Hindi ko siya kilala pero parang gumaan yung pakiramdam ko. Bigla ko naramdaman na dumiin yung braso niya sa balikat ko. Para bang hinayaan niya lang na nakapatong.

"Nangangawit na 'ko."

Bigla siya nagsalita at medyo napangiti ako. May kung ano talaga sa boses niya na gugustuhin mong pakinggan ng buong araw.

"Bubuksan ko lang saglit yung pinto."

"Sige." Pabulong yung pagkakasabi niya.

Dahan-dahan niyang inalis yung pagkaka-akbay niya sa'kin tsaka sumandal sa may pader. Nagpamulsa siya tsaka tumingala.

Madilim at konting liwanag lang galing sa may poste sa kalsada ang nagsisilbing ilaw namin. Passcode ang lock ng bawat pinto sa mga room. Tahimik at tanging patak ng ulan lang ang maririnig. Pagkabukas ko ng pinto pumasok muna ako para sindihan yung ilaw. Tinignan ko yung buong kwarto. Okay na 'to para ngayong gabi.

Lumabas na ko para alalayan siya sa pagpasok. Napatingin siya sa'kin. Ang hilig niya sa mga biglaang tingin. 'Di ko naiwasan ngayon. Haaay. Pero sa 'di ko inaasahan, ngumiti siya. Napatigil ako, parang tumigil lahat. Bakit ganito? Totoo ba na nangyayari 'to? Nabalik ako sa nangyayari nung bigla siyang humakbang. Muntik siyang matumba dahil sa paa niya. Dali-dali ko siyang pinuntahan at napahawak siya sa balikat ko sa pagsalo ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakahawak ako sa likod at ulo niya. Kumbaga halos yakap yakap ko na siya. Parang nagulat din siya dahil wala siyang reaksyon. Hindi ko alam kung paano ako aalis sa pagkakahawak sa kanya.

"Ah, sorry."

Yun na lang nasabi ko. Sabay namin inalis pagkakahawak sa isa't isa.

"Ang tagal mo kasi eh."

PRINCE for a PRINCEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن