CHAPTER 4 - BACK TO LIFE

303 10 4
                                    


Laurence's POV



Nagkatinginan kami ng may kumatok sa pinto.

"Ikaw na magbukas." Sabi ko sa kanya. Masakit pa rin talaga paa ko. Sinusubukan ko lang na ipakita na ayos na para hindi na siya mas mag-aalala.

"Bakit ako, ha? Baka mamaya killer yan."

Killer? Ang laki ng school na 'to at sobrang daming gwardya para mapasukan ng killer.

Tinuro ko yung paa ko tsaka ko siya nginitian.

"Tsss. Hay! Oo na!"

Akala mo naman kasi matitiis niya 'ko. Haha.

Tumayo na siya para buksan yung pinto. Nasa may harap pa at nasa likod kami.

"Mag-ingat ka ha."

Pagkasabi ko no'n, humarap at ngumiti siya tsaka tinuro yung mata niya.

"Dito pa lang, matatakot na sila."

Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Madaming bumabalik na ala-ala. Hindi mabilang kung ilang beses niya ginawa 'yon noon para lang alisin yung takot ko. Sa kahit ano man na mangyari noon, kailangan ko lang tumingin sa mga mata niya at magtiwala. Magtiwala na walang mangyayaring masama.

"Teka, bakit ka na naman lumuluha?"

"Ah. May naalala lang ako." Bigla kong pinunasan yung mga luha. Hindi ko namalayan na tumulo na naman pala. Kung bakit ba kasi ang babaw-babaw. Haha. Sa kanya lang naman tumutulo 'tong mga 'to ng hindi ko namamalayan.

"Sigurado ka? Pwede ko naman 'wag buksan."

"Sira. Hindi, wala 'to. Sige na."

Gustuhin ko man na umiyak at sabihin kung gaano ko siya na-miss, wala akong lakas ng loob at hindi pa dapat.

Tumango siya. Bumalik na siya sa paglalakad at habang naka-talikod siya nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama na sinabi ko'ng 'biro' lang lahat. Sigurado ako na hindi pa 'to ang tamang oras.

Nakakatawa, ayaw ko siya na masaktan pero ako 'tong lumuluha ngayon. Na-miss ko siya...sobra.

Ang galing mag-laro ng tadhana, kung kailan umuulan 'don kami ulit nagkita. Ang tagal ko din iniwasan pero dito pa rin pala pupunta.

Maikli ang isang taon, pero parang katumbas no'n ang sampung taon. Simula noong mangyari 'yon madaming nagbago. Kinailangan ko na magtago o patagong sundan siya para siguraduhin na okay siya. Ngayong nagkita kami ulit, ako pa 'tong inalagaan niya.

Bigla na naman kumirot 'tong paa ko. Haaaay! Gusto ko'ng sabihin na hindi aksidenteng nakita ko si Nanay Rita. Gabi-gabi ko siya hinahatid, nagkataon kagabi na bumisita ako kay papa sa ospital kaya nahuli ako. Mabuti na lang walang masamang nangyari kay Nanay Rita, kaso ako ngayon 'tong hindi makalakad. Haha. Gusto ko sabihin na binabantayan ko yung mga taong importante sa kanya para kahit papaano makabawi ako sa mga panahon na hindi ko siya nasamahan.

Napabuntong hininga na lang ako kapag naiisip ko mga bagay na 'to. Gaano ba kahirap magmahal?

Siguro nga talagang kakambal na ng salitang 'pagmamahal' ang 'masaktan'.

Inayos ko yung pagkaka-upo ko at nagkumot ulit. Tumingin siya dito bago buksan yung pinto. Dahan-dahan niya binuksan at medyo napahinto siya sa nakita niya. May naririnig na 'kong boses ng babae na tinatanong kung kamusta siya. Mukhang hinanap na talaga siya.

Maya-maya, pumasok na yung nagsasalita at tsaka siya niyakap. Si Justine pala...pero teka!

Teka! Hindi niya ako pwedeng makita. Haaay! Ano ba 'yan! Hindi pa naman ako makalakad ng maayos.

PRINCE for a PRINCEWhere stories live. Discover now