CHAPTER 3 - HEARTS MET

326 15 8
                                    


Kino’s POV

Nakatitig lang ako habang natutulog siya. Ang  amo pala ng mukha niya, hindi na gaya ng kanina.

Naka-upo ako sa harap niya. Inusog ko yung isang couch para pantay sa kanya. Ano ba ‘tong nangyayari sa’kin? Hindi ko naman siya kilala, ni hindi ko alam pangalan niya. Ngayon ko lang din siya nakita dito sa school.
Napahikab ako tapos nangalumbaba. Nakatitig lang ako sa kanya.

“Bakit ka naka-ngiti?”

Napa-upo ako bigla ng maayos. Siya ba yung nag-salita? Oo, siya lang naman eh.

“Hindi ako naka-ngiti. ‘Di ako baliw kagaya mo.”

Minulat niya yung isang mata tsaka ngumiti. Ngayon ko lang napansin yung  dimples niya. Ang ganda, bagay na bagay sa kanya.

“Bakit nga? Cute ba ako?”

Haa! Ang kapal talaga.  Sinipa ko ng mahina yung couch niya.

“Ho-hooy! May sakit ako ha. Wala kang puso!”

Tsss. Ako pa? Ako ‘tong nagbabantay at nag-aalaga ha.

“Oo, kasi na sa’yo na.”

Bigla siyang nagtakip ng kumot. Haha. Ang kulit niya talaga.

“Wala! ‘Di ko na ibabalik!”

“Hahahahaha!”

Natawa na lang talaga ako. Kinikilig ako! Sh*t! Ano ba ‘yan! Nakangiti lang ako habang nakatakip siya ng kumot.

“Ang landi mo!” sabay sipa sa loob ng kumot.

Kinikilig ba siya?! Haha.

“Hindi ako malandi kasi sa’yo lang ‘yan. ‘Wag mong ipapamigay.”

“Iingatan ko.” Biglang naging malambing boses niya.

Hahaha! Binigla ko alisin yung kumot sa may mukha niya.

Namumula siya! Hahaha! Mas grabe pa siya mamula sa’kin.

“Ano ‘yan ha. Pulang-pula ka na! Hahaha!”

Bigla siyang dumapa.

“Syempre nilalagnat ako!”

“Okay lang naman. ‘Wag mo ng itanggi.” Tsaka ko ginulo yung buhok niya.

“Oh! Sexual harassment na ‘yan!”

“Anong sexual harassment sa ginawa ko?”

“Hinawakan mo ulo ko!”

“Hahahahahahahahaha!”

Humiga siya ulit ng nakaharap tsaka nagtalukbong ng kumot. Nilabas niya yung kamay tsaka ako dinuro.

“Hindi mo na ulit mahahawakan ulo ko. Tsaka na ulit kapag ano.”

“Ano?”

“Kapag sinagot na kita.”

“Hahahahahahahaha!”

Ang sakit ng tyan ko kakatawa. Nanliligaw ba ‘ko?

“Ano’ng nakakatawa?”

“Wala. Wala. Haha. Ang kulit mo.”

“Eh, di umalis ka na. Nakukulitan ka pala sa’kin, eh.”

Luh oh! Bigla-biglang nagdadrama.
“Hindi ganon yun.”

“Ga----AHHHHH!!!!”

Bigla namatay mga ilaw kaya bigla siyang napasigaw.

Nataranta ako sa sigaw niya kaya bigla ako lumapit sa kanya tsaka kinapa yung bibig niya para takpan. Haha. Ang lambot ng balat niya. Tao ba talaga ‘to?

PRINCE for a PRINCEWhere stories live. Discover now