Chapter 6. Timpi at Pasensya

690 19 0
                                    

Bea POV

Papasok na kaming apat sa classroom, pang Third-day na namin sa school na ito. Nagdasal muna ako na hindi sana uminit ang ulo ka sa mga lalaking mukhang unggoy.

Habang nagdadasal ako may kumalabit sa akin.

Hoy bea! Anong ginagawa mo dyan? - tanong ni Zia

May papikit-pikit kapa ng mata para kang baliw! Hahaha - sabi ni Joy habang tumatawa

Hala? Mukha ba talaga akong tanga? - tanong ko

Oo best hahaha nakakatawa ang mukha mo! - joy

Totoo yun Ice? Pangit? - paawa kong tanong kay Ice

Yeah I think so - sabi nito at nag-kibit-balikat pa

Ei... Nakaka-inis! Pumasok na ngalang tayo! - sabi ko nalang

Binuksan ko ang pinto ng classroom namin at nagulat ako ng biglang may nahulog na tubig sa akin. Nabasa ang buong katawan ko dahil sa dami ng tubig sa balde na nasa itaas.

Tumawa ng tumawa ang mga klasmate ko. Tinignan ko ang apat na lalaki na may sala sa pangyayaring ito.

Nakita ko kung pano mag-smirk ang mga ito at kung paano ako pag-tawanan ulit ng mga classmate namin.

Tumingin ako kila zia, joy at Ice, humihingi ako ng permiso na saktan na ang mga lalaking yun, pero binigyan ako ng Look ni ice na NGUMITI-KALANG-LOOK.

Tumango ako tumingin sa mga classmate ko na walang humpay sa kakatawa,

Ang saya niyo ah? - sarcatic kong sabi

Talaga! Mabasa ba naman ang babaeng HYPER? Hahaha - sabi ni hannah

Pshh ang babaw niyo naman! - sabi ko

Nagulat sila sa sagot ko at napatigil sa pagtawa, tinitigan ko ang apat na unggoy at sinabihan ng...

Wala nabang iba? Bakit tubig lang? Pshh ang cheap niyo naman, kung ako sa inyo dapat nilagyan niyo ng water color para makulay, para masaya! - masigla kong sagot

Aba? Kami, cheap? - sabi ni Rex

Yeah, gwapo nga CHEAP naman! - sagot ko

Girls magpapalit lang ako ha? Tsaka madami naman akong damit sa locker ko, atlis kahit paulit-ulit na may nahulog na tubig sa akin atlis may pampalit ako! - sarcastic kong sabi

Tumango lang yung tatlo at umalis na ako, wala namang tao sa corridor kaya tumakbo ako ng mabilis sa locker ko, pumunta ako sa girls shower at naligo nalang.

Makaka-ganti din ako sa inyo mga unggoy kayo. Nagtitimpi lang ako. Pahihiyain ko din kayo gaya ng pagpapahiya nila sa akin, pati din sa mga kaibigan ko. Mabait ako pero pag nagalit ako nagiging demonyo ako.

Tandaan niyo, makaka-ganti din ako, maghintay lang kayo! - bulong ko sa sarili ko.

Zia POV

Naiinis na talaga ako sa mga hambog na lalaking yun. Nabasa tuloy si bea, konting-tiis na lang talaga.

Habang nagkaklase kami biglang may kumatok at pumasok si bea, nakangiti ito ng wagas na para bang walang nangyari sa kanya kanina.

Ms. Carriedo why are you late? - Sir. Reynante

Kaya po ako na-late dahil napatripan po kase ako ng APAT NA UNGGOY at nabuhusan po ako ng tubig, kaya nagpalit ako damit! - sabi ni bea

Natatawa nalang ako sa reaction ni sir dahil sa sinabi ni bea.

Ok you may take your sit, and please dont be late again! - sir

Okie sir! Hehehe - umupo na si bea at tumingin siya sa grupo nila ace at nag-smirk si bea.

The Four Princess CLASH The Four PrinceWhere stories live. Discover now