Chapter 16. Pick Up Lines

635 21 0
                                    

Ice POV

Nasa library nga pala kaming walo, walo dahil kasama namin ang apat na kulugo dahil magkakapartner na naman kami sa Science, activity ito na by partners at magreresearch kami ng tungkol sa bawat bahagi ng science, ang nabunot namin ni Ace ay biology, kila Zia at Ian naman ay physics, kila Bea at Rex naman ay chemistry, at kila Joy at Leo naman ay earths science.

Kaya ito tahimik kaming lahat na nagsusulat at naghahanap ng tungkol sa research topic namin, ng biglang nagsalita si bea.

Nagugutom na ako Rex, mamaya na natin gawin yan! - bulong ni Bea Kay Rex

Ayoko nga! Magtiis ka diyan! Gusto Kong mapasa na agad ito noh! - pagsusungit ni Rex

Eiii!! Nagugutom na talaga ako sige na! - pangungulit pa ni Bea

Haist ang kulit naman, Hindi kaba kumain? - naiinis na tanong ni Rex

Kumain! - sagot ni Bea

Oh? Kumain ka naman pala ei.. Bakit kakain kana naman? - Rex

Ei.. Nagugutom ako ei.. Mapipigilan ko ba? - pagtataray na ni Bea

Kaya ang taba mo ei.. Kain ka ng Kain! - pang-iinis ni Rex

ANO? MATABA AKO? - malakas na sigaw ni Bea

Nagulat lahat ng tao sa loob ng library pati kami nagulat at ang talim ng mga tinggin ng mga tao Kay Bea pero Hindi niya ito pinansin.

Bea? Wag ka nga sumigaw! - sabi ni Zia

No! HINDI AKO MATABA! TANDAAN MO YAN REX KULUGO!! HMMP! - sigaw ulit ni Bea at nag-walk out ito at padabog na sinarado ang pinto ng library.

Nagkatinginan kami sa isat-isat at nagkibit-balikat nalang sa nangyari, si Zia na ang humingi ng despensa sa mga naistorbo ni bea.

Ikaw kase Rex ei.. Bakit mo kase sinabihan ng ganun si Bea? - tanong ni joy

Eh kase puro nalang siya Kain kaya nasabi ko na mataba siya! - Rex

Hahaha grabe epic yung mukha ni Bea ei.. Nagpipigil lang talaga ako ng tawa kanina hahaha!! - natatawang sabi ni ace

Oo nga ei... Galit na galit talaga hahaaha - Leo

Hoy! Tumigil nga kayo, aasarin niyo pa ei... - pagsaway ni zia kila Leo at ace

Hihihi sorry! - Ace

So pano yan, alamang sa malamang galit yun! - sabi ni joy

Yeah, you know Bea, she's emotional! - pagsang-ayon ko

Haist puntahan na kaya natin? Baka ano ng nangyari dun! - sabi ni Zia

Tara pun--- - di na natapos ni joy ang sasabihin niya ng biglang magsalita si rex.

Ako nalang ang maghahanap sa kanya! Ako naman ang may kasalanan ei... - sagot ni Rex

Are you sure? - takang tanong ni joy

Yeah kayo ng bahala sa research namin, wag kayong mag-alala tapos na yan! - sabi ni Rex

Good luck bro! Kaya mo yan! Haha - sigaw ni ace

Pagka-alis ni Rex ay inumpisahan ulit naming tapusin research topic namin at naging tahimik ng muli.

Bea's POV

Nakaka-inis! Mataba daw ako? Sinong Hindi maiinis, at Hindi ako kagaya ng iba na mataba no! Sexy kaya ako tapos sasabihan niya akong mataba? No way, highway!

Kumain nalang ako ng ice cream pampalamig ng utak isama muna pati ulo.

Ang sarap talaga ng ice cream, cookies and cream ang paborito Kong flavor at sobrang sarap talaga.

The Four Princess CLASH The Four PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora