Chapter 15. Si Joker Prince

656 21 1
                                    

Ace POV

Kinakabahan ako habang papasok ang kotse ko sa main gate ng school, dahil makikita ko ang crush ko, syempre kahit sino naman ei.. Kakabahan, mas lalo na kung TAONG YELO ang crush mo, kilala niyo ba kung sino?

????

( Author: hmm sino nga ba? )

( Ace: Syempre secret na yon! )

( Author: Secret mo mukha mo! Ako ang author dito kaya kilala ko! )

( Ace: ei.. Alam mo pala ei.. Bakit tinatanong mo pa? )

( Author: syempre gusto ko lang! Hehehe! )

( Ace: pshh gusto mo lang sumingit sa pov ko ei... )

( Author: Tse! Bye na nga! )

Hahahaysss so back ulit sa story, so yun nga nasa kotse parin ako at hindi lumalabas dahil inaayos ko ang buhok ko, nilalagyan ko kase ng Gel ang buhok ko at pinataas, syempre kailangan kong magpa-pogi sa CRUSH ko para mapansin ako.

Habang naglalagay ng gel nagulat ako ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko pagtinggin ko sila Leo, Ian at Rex pala.

Hoy! Ace! - si Leo habang kumakatok sa kotse ko

Ace! Buksan mo nga to! - Rex

Pshh mga kupal, nagpapa-gwapo pa ang tao ei.... Nakaka-inis naman.

Nilagay ko na ang gel sa bag ko at nagpabango ako at tumingin muli sa salamin at ng makumpirma ko na ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako sa kotse ko at hinarap ang tatlo kong kaibigan na kupal.

Ano ba! Katok kayo ng katok!! - sigaw ko sa kanilang tatlo

Ei.. Ang tagal mo ei.. Kanina kapa diyan sa loob ng kotse mo! - Rex

Oo nga! Ano bang ginagawa mo sa loob ha? - naiiritang sabi ni Leo

Wala! - sagot ko

Pshhh tara na nga baka malate pa tayo ei... - Ian

Naglakad na kami sa hallway, ang dami na namang taong nakatinggin sa amin, nginingitian ko na lang sila.

Papasok na kami ng room at naghanda na para sa ENTRANCE namin.

Pagpasok namin sa loob tinginan at hiyawan na naman ang nangyayari sa loob pero nakatinggin lang ako sa iisang babae at iyon ay walang iba kundi si TAONG YELO.

Naka-earphone ito at nagsusulat napansin niya ata na may nakatinggin sa kanya kaya mabilis kong nilabas ang pinaka-gwapo kong ngiti, nagtitigan lang kami, walang reaksyon ang mga mata nitong nakatinggin sa akin, pero ngumiti parin ako pero umiwas siya ng tinggin at nagsulat muli.

Nalungkot ako ng kaunti pero di ko iyon ipinahalata, umupo na ako sa upuan ko sa tabi ng aircon at saktong dating ni mrs. Gallego.

Nagdiscuss lang ito at hinati kami sa dalawang myembro tinawag na ni mam ang tig-dalawang pares habang hinihintay ang pangalan ko napatinggin ako sa pwesto nila Bea at nakita ko na nag-uusap sila Bea, Zia at Joy, napatinggin ako kay Ice na tahimik parin na nagsusulat, seryoso lang ang mukha nito, walang ekspresyon at tahimik lang sa ginagawa niya napatinggin siya sa gawi ko kaya mabilis kong iniwas ang tinggin ko sa kanya.

Nakita ko sa peripheral view ng mata ko na nakatingin siya sa akin kaya nagkunyari akong nagsusulat, habang nagsusulat ng kung ano, tumingin ako ng pasimple sa gawi niya at nakita kong hindi na siya nakatinggin pero nakikinig na siya kay mam na nagtatawag ng partner activity.

Habang nakatitig sa maganda niyang mukha nagulat ako ng tawagin ako ni mrs. Gallego.

Mr. Rodriguez are you listening? - mrs. Gallego

The Four Princess CLASH The Four PrinceWhere stories live. Discover now