Chapter 17. Chat

550 18 0
                                    

Ice POV

Sabado ngayon at nandito lang ako sa kama, nakahiga habang nagsasound-trip, wala naman kaseng magawa ngayon ei... Kaya naisipan kong mag-bukas ng Facebook ko at nagulat.

Notification: 621
Message: 212
Friends: 371

Ganito ba talaga ako ka-famous para sumabog itong Facebook account ko? Haist!

Nagtingin-tingin ako sa mga nagpapa-add friend sa akin at yung mga kaklase ko lang ang kinomfirm ko at nahagip ng mata ko ang apat na kulugo.

Ace M. Rodriguez (Jassfer)
Decline    Confirm

Leo O. Santillan (Christian)
Decline    Confirm

Ian T. Ramos (Jerick)
Decline     Confirm

Rex N. Bautista (Daniel)
Decline    Confirm

Dahil wala naman ng clash between sa amin ay kinomfirm ko nalang silang apat.

Nagtingin-tingin ako sa notification ko at puro lang naman ito at comment sa picture na pinopost ko, nagtinggin-tinggin pa ako sa news feed ko ng biglang tumunog ang laptop ko ibig sabihin lang nito ay may nag-message sa akin, tinignan ko ito at nag-pop ang pangalan ni Ace kumag.

Ano naman kayang kailangan nitong lalaking to? - tanong ko said sarili ko.

Tinignan ko na ang message na galing kay Ace.

Ace
- Hi Ice, ano gawa mo?

Ice
- its obvious right? I'm online with my facebook duh!

Mataray kong sabi, halata naman tapos nagtatanong pa! Nakaka-inis talaga tong kumag na ito ei... Nagpop ulit ang message at binasa ko.

Ace
- he he so madami kabang ka-chat ngayon?

Ice
- pshh you think na papayag akong makipag-chat sa kanila? Pshh

Naiiritang sabi ko kay ace

Ace
- So ako lang ang ka-chat mo ngayon? Ganun ba?

Pshhh kung nakikita ko lang ito ngayon panigurado na nakangiti ito dahil siya lang naman talaga ang ka-chat ko. Tsk

Ice
- napipilitan lang akong i-chat ang mga nakaka-chat ko ngayon, like you ACE!

Ace
- grabe ka naman sa akin Ice ang sakit sa puso ng sinabi mo huhuhu

Pshhh ang Arte ah? Tsk

Ice
- may sakit kalang siguro sa puso kaya ganun!

Ace
- wala akong sakit sa puso noh, may nagbabantay kase sa loob ng puso ko at ikaw yun Ice

Pshh adik ba siya? Pinagsasabi nito?

Ice
- pshh Hindi bagay sa akin ang tagabantay noh! Dahil hindi naman ako bodyguard!

Ace
- Hindi naman talaga bagay sayo ang pagiging bodyguard ei... Kase ikaw ang binabantayan, at ako ang magbabantay para sayo.

Ice
- no need hindi kita kailangan para magbantay sa akin dahil madami naman kaming bodyguards dito kaya wag ka ng mag-abala pa

Ace
- OK pero babantayan nalang kita ng palihim hihihi

Ice
- pshh palihim paba tawag dun? Syempre hindi na kase alam ko na babantayan mo ako tsk isip isip din Ace

Ace
- paano ako makakapag-isip kung Ikaw lang ang iniisip ko?

Ice
- kasalanan ko ba na ako ang iniisip mo? Edi mag-isip ka ng iba problema ba yun?

Ace
- malaking problema yun dahil ayokong isipin ang iba ikaw lang ang gusto ko.

Ice
- pero hindi naman ikaw ang gusto ko

Medyo matagal siyang nag-chat kaya tumingin muna ako sa news feed ko at hindi na siya nag-chat muli sa akin kaya nag-out na ako dahil nagugutom na ako, sinarado ko na yung laptop at pumunta sa CR para maligo.

Pagtapos kong maligo nag-suot lang ako ng white na T-shirt at nagpajama nalang ako at pinusod ko nalang ang basa kong buhok, bumaba na ako at nakita ko si yaya Nita na naglilinis ng sahig.

Good morning po mam ice! - masayang bati nito sa akin

Good morning! - sagot KO

Gusto mo na bang kumain? - tanong ni yaya

Yeah nagugutom na kase ako! Asan sila mom at dad? - tanong ko habang umuupo

Ahhh umalis na may business proposal daw kase sila ng dad mo kaya maagang umalis! - sabi niya

Tsaka hindi kana nila pinagising dahil wala ka naman daw pasok ei... - pahabol pa ni yaya Nita

Ahhh ok - sagot ko nalang

Kumain nalang ako at nagpaka-busog at di naman ako nagkamali dahil nabusog talaga ako, masarap kase magluto itong si yaya, chef kase ito noon ei...

Pagtapos kong kumain ay pumunta na agad ako sa taas para patuyuin ang buhok ko, gumamit nalang ako ng blower para mabilis matuyo, pagkatapos kong magpatuyo pumunta ulit ako sa kama ko at binuksang muli ang laptop ko at nagbukas sa Instagram ko pero gaya kanina sa Facebook ko ei.. Sabog din ito sa message at iba pa, sa twitter account ko ay ganun din.

Binuksan kong muli ang Facebook account ko at nagulat ako dahil 123 notifications, 333 friends at at 10 message,

Kakabukas ko lang kanina tapos meron na naman? Grabe kaya sinilip ko ang mga notifications at puro like at comment Naman ang mga ito sa mga picture na nai-post ko noon. Hindi ko na sinilip yung sa friends dahil tinatamad na akong mag-confirm sa kanila, sunod na tinignan ko ay ang message konti lang naman dahil 10 lang naman, pero nagulat ako ng lahat ng message na iyon ay galing Kay Ace.

Tinignan ko ito isa-isa at binasa

Ace
- hindi mo pa ako gusto sa ngayon pero alam ko dadating din ang panahon na magiging parehas na rin tayo ng nararamdaman!

A-S-A siya hinding-hindi mangyayari yon, itaga niya sa bato

Ace
- ano Hindi ka nakasagot no? Kase mangyayari talaga yan!

Ace
- ano speechless kapa din? Haha

Ace
- hala nag-log out na siya, nagjojoke lang naman ako ei..

Ace
- hayss ambilis mo palang mapikon He he sorry

Ace
- pero seryoso hindi kita titigilan kase ngayon ko lang naramdaman ito kaya hayaan mo sana ako

Ace
- kung iniisip mong masyadong mabilis kung nasabi na in love ako sayo sorry pero nung unang kita makita tumitibok na ang puso ko sayo, noon hindi ko alam kung bakit pero ngayon alam ko na.

Ace
- tinanggal ko agad ang clash para mapalapit sayo at gagawin ko ang lahat para mapasagot ka ng OO.

Ace
- alam kong nagugulat ka, kase hindi pa ako nanliligaw, nag-iisip pa kase ako ng mga gagawing panliligaw tips para mapa-ngiti ka, para mapasaya ka, sana ngalang magawa ko yan ng maayos.

Ace
- at pagnanligaw na ako ipapakita ko sayo kung gaano ako kaseryosong ligawan ka Ice. I know na mahirap pero gagawin ko para sayo!

Napa-nganga nalang ako sa mga nabasa ko hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa oh ano, hindi nalang ako nag-chat sa kanya at naglog-out nalang ako.

Balak ko nalang matulog ngayong araw wala naman kase akong magawa ei... Tsaka kung hinahanap niyo sila Bea, Zia at Joy ngayon sorry kayo dahil hindi ako makakapayag na manggulo sila sa pahinga days ko, alam naman nila na gusto ko ng peaceful pag walang pasok kaya ito ako at solo flight mas gusto ko ito, tahimik at walang maiingay hayss makatulog na ngalang ako.

😳😅

The Four Princess CLASH The Four PrinceWhere stories live. Discover now