Chapter 21. Ace Family

611 16 0
                                    

Ace POV

Maaga akong nagising, kaya maaga din akong naligo, nag-suot lang ako ng pants at nag-suot ng V-neck shirt, bumaba na ako at nakita ko sila mom na nasa kitchen, at haleluya! Naghaharutan pa, nilapitan ko silang dalawa at inakbayan silang pareho, kaya pareho silang nagulat.

Ano ba yan anak, nakakagulat ka naman! - sabi ni mom habang nakahawak sa bandang puso niya.

Oo nga anak! Buti nalang wala kaming sakit sa puso ng nanay mo dahil kung meron, parehas na kaming inatake! - sabi ni dad

Hayss ang o-OA talaga nina mom at dad, mana sa akin hahaha

Sorry mom, sorry dad, and good morning! - sabay halik ko sa pingi ni mom

Ako walang kiss? - sabi ni dad habang nakaturo sa pisngi niya

Dad, hindi tayo talo! OK! - sabi ko sabay tawa

Grabe siya! Hahaha - sabi nalang ni dad

Teka umupo kana anak, kakain na tayo ng breakfast! - sabi ni mom habang naghahanda ng pagkain sa lamesa, umupo na ako at umupo na din si dad.

So anak, parang ang aga mo ata nagising? May pupuntahan kaba? - tanong ni dad habang umiinom ng kape niya

Oo nga anak, nakakapagtaka na ang aga mo nagising ngayon! - pagsang-ayon naman ni mom

Ahhh oo nga po, Eh basta nagising nalang ako bigla ei.. - sagot ko

Ganun ba!? Ei.. Kamusta naman ang pagpunta niyo sa Yuris Bar? - tanong ni mom

Ahhh OK lang naman mom, masaya po! - masayang sagot ko

Halata ngang masaya ka, nagbu-blush ka ei... - pang-aasar ni mom

Ha? Ako? Nagbu-blush? Hindi kaya! - nahihiyang sabi ko

Tumingin sa akin si mom at dad, at parang inuusisa nila ang buong mukha ko, na-tense naman ako at napansin kong parang uminit, ei... may aircon naman at nakabukas.

May nangyari bang maganda anak? - tanong ni dad

Ha? Anong magandang nangyari ang sinasabi niyo dad? - nagtatakang tanong ko

Para kasing ang blooming mo anak, may nangyari ba sa pinuntahan niyo kahapon? - pag-tatanong naman ni mom

Ha? Ahh w-wala naman mom! Kumanta lang naman kami don ng mga kaibigan ko! - sagot ko

Talaga bang wala o ayaw mo lang sabihin? - sabi ni dad sa seryosong tono

Medyo natakot ako kase ang seryoso ni dad, minsan lang to mangyari at nakakatakot siya huhuhu

Oumm k-k-ase ano ba yan! Wag ka ngang ganyan dad, sasabihin ko naman ei... - sabi ko

Hahaha joke lang anak, ikaw talaga, kung di mo pa kayang sabihin sa amin ng mom mo, OK lang naman! - sabi ni dad habang tumatawa

Grabe ka talaga dad! Tinakot mo ako dun ha? - sabi ko

Hahaha atlis gwapo parin ako kahit naka-serious face! - sabi pa ni dad

Pshhh mas gwapo naman ako bleh! - pang-aasar ko kay dad

Pshhh Edi wow! - sabi nalang ni dad

Kaya nagtawanan nalang kami sa kakulitan namin ni dad, si mom naman ay nakikitawa nalang din.

Pagtapos kumain ay nagpunta na lang ako sa kwarto at kinuha ang laptop ko, naisip ko kaseng mag bukas ng Facebook ko, laking gulat ko ng makitang sabog na naman ang notifications ko, umabot ba naman ng 134, tapos yung nagpapa-adfriend naman ay 234 na puro mga Schoolmates ko? I think, at may 106 na message na galing lahat sa mga fans ko.

The Four Princess CLASH The Four PrinceWhere stories live. Discover now