Salamin ng Bukas at Kahapon

117 3 0
                                    

HINDI mabilang ang mga matang nanlilisik na nakatingin kay Anton Rodriguez III - bagong diktador ng Pilipinas - na siyang matindig na nakatayo sa tapat ng malaking iskrin ng telebisyon na nakasabit sa gitna ng malapad na dingding ng sariling kuwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI mabilang ang mga matang nanlilisik na nakatingin kay Anton Rodriguez III - bagong diktador ng Pilipinas - na siyang matindig na nakatayo sa tapat ng malaking iskrin ng telebisyon na nakasabit sa gitna ng malapad na dingding ng sariling kuwarto. Hindi niya tuloy nagawang pigilan ang paggunita sa panahong nagbigay siya ng parehong titig sa namayapang dating pangulong Juanito Guinto.

"Mga hunghang! Akala ba nila'y hindi ko sila nakikita?! Hindi ba sila naniniwalang palagi akong nagmamasid kahit pa isang makisig na mukhang may bigote lamang ang nakikita nila sa kani-kanilang telebisyon?" inis na wika niya sa sarili. Bagaman ganoon ang imaheng gusto niyang ipakita sa madla, malayo ito sa sariling itsura. Mas maiksi ang kaniyang buhok at hugis parisukat ang kaniyang mukha, pahaba naman ang nasa gawa-gawang imahe. Wala siyang bigote at mas malaki rin ang kaniyang mata.

Akmang tatawag na siya kay Ricardo dela Cruz - isang sesenta anyos na lalaki na pinuno ng kapulisan - para magbigay ng utos nang pumasok itong bigla sa kaniyang silid. Isang nag-aalalang mukha ang bumungad sa kaniya. Hindi maikukubli ng malaki't mabatong katawan nito ang mga matang sumisigaw ng panganib.

"Ano'ng nangyari?" tanong niya rito. Hindi na mabilang kung ilang kabayo na ang nagkakarera sa kaniyang dibdib.

"Ang samahang sumusuporta kay Guinto... nagbato ng mga delikadong kemikal sa iba't ibang parte ng palasyo. Marami sa ating kapulisan na ang isinusugod sa ospital. Delikado para sa inyo ang lumabas ng inyong silid. Ano ang gusto niyong gawin namin sa mahuhuling mga taksil?" Naiyukom niya ang kaniyang mga kamao. Hindi niya mawari kung bakit may sumusuporta pa rin sa dating pangulo na wala namang ibinigay sa mga tao kundi demokrasya't kahirapan.

"Parusahan ang lahat pwera sa kanilang pinuno. Dalhin niyo siya sa 'kin, ako ang magtuturo ng leksyon sa kaniya," mariin niyang utos sa nakatatandang opisyal na agad namang kumilos para sundin ang kaniyang binitiwang mga salita.

Pinagmasdan niyang lumabas ng silid ang matapat niyang tagasunod bago siya tumalikod at lumapit sa malawak na mesang puno ng mga papel at kalat. Kinuha niya ang isang makapal na kwadernong naninilaw na ang mga pahina.

Pagmamay-ari iyon ng kaniyang lolo, naipasa na sa kaniyang ama at ngayo'y ipinamana na sa kaniya. Iyon ang orihinal na kopya ng The Climb, isang librong ipinalathala niya at ipinamahagi sa bawat Pilipino.

Nilalaman ng lumang kwaderno ang kabayanihang nagawa ng kaniyang Lolo Anton magi-isang siglo na ang lumipas. Kung paano nito ginamit ang biyayang makakita ng hinaharap para iligtas ang Pilipinas sa tuluyang pagkawasak.

Hindi na niya kailangang buklatin ito para malaman ang totoong nangyari. Kabaliktaran ng kakayahan ng kaniyang Lolo Anton ang taglay niya. Kaya niyang makita ang nakaraan, kahit na walang sinuman ang magbanggit sa kaniya nito, nang malinaw at walang halong kasinungalingan.

Idinako niya ang tingin sa malapad na bintana sa tapat ng kaninang kaharap na telebisyon. Tanaw niya ang sanga-sangang nakaangat na kalsada, pati na ang iilang mga riles ng tren mula sa ika-apat na palapag ng kaniyang mansyon. Nakasisilaw ang makikintab na salamin ng mga matataas na gusali at tila ba laruan ang mga umaandar na sasakyan.

Liriko 3: BattlesWhere stories live. Discover now