Macros: A Fiction in Progress

158 4 2
                                    

               Kasalukuyan silang nasa gubat ng Maldiaga no'n

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

               Kasalukuyan silang nasa gubat ng Maldiaga no'n. Sa islang kahugis ng papaya. Tinutugis ang mga kalabang Hapon na may mga dalang bayoneta. O mas magandang sabihin na sila ang tinutugis ng mga Hapon dahil naubos na ang kanilang mga kasama. At tanging silang dalawa na lang ng kaibigan ang natitira. Si Macros at ang kaibigan niyang si Banoy. Nagpasikut-sikot sila sa gubat para lituhin ang mga kalaban. Si Banoy ang unang nagpaputok ng hawak-hawak niyang armalite. Ratrat kung ratrat. Namatay ang isa sa mga Hapon na humahabol sa kanila. Sunod namang bumaril si Macros gamit ang kalibre .38 niyang baril, sampu agad ang natumba sa isang kalabit lang ni Macros ng gatilyo dahil nabuwag ang karamihan sa mga puno at nadaganan ang mga Hapon. Magpapatuloy ang palitan ng putok hanggang sa malagas ang mga Hapon na humahabol sa kanila.

Nasa pusod na sila noon ng Maldiaga, nakaupo sa puno at namamahinga dahil naubos na ang mga Hapon nang lumabas ang tatlong unggoy. At hinarap si Macros at si Banoy.

"Narito kami bilang iisa upang ipabatid ang nakikita ng aming mga mata." Magugulat na lang bigla si Banoy at Macros nang biglang magsalita ang unggoy na nasa gitna. Ilalabas ng nasa gitnang unggoy ang saging na senyorita. "Ito, ang saging na nakakakita ng lahat. Ang saging na kasing liit lang ng titi ni Macros ay may gustong ipabatid na balita sa inyong dalawa."

Mababakas ang gulat sa mukha ni Macros. Gulat na nagtatanong kung paanong nalaman ng mga unggoy kung gaano kaliit ang titi niya. Pigil na tawa naman ang mababakas sa mukha ni Banoy.

"Ngunit paano namin malalaman kung totoo nga ang sasabihin ninyo?" si Macros ang unang nagkalakas ng loob na magsalita. Pinanatili ni Banoy na alerto ang sarili niya.

"Kanina lang ay nalaman mo na ang kasagutan.At sa pagpapatuloy natin ay malalaman mo rin ang napakarami pang sagot." Ang sasabihin ng isa sa mga unggoy. Tatahimik si Macros sapagkat batid niyang totoo ang sinasabi ng tatlong unggoy na nasa harapan.

"Ikaw, Macros." Parehong ikinagulantang ng dalawa ang pagkaalam ng unggoy na may hawak ng saging na senorita sa kaniyang pangalan. "Ikaw ay ituturing na hari at diyos-diyosan ng karamihan. Magagawa mong pasunurin sa'yo ang alon ng buhay. Hahanga sa'yo ang karamihan sa mga naghaharing uri at lalabanan ka ng iyong mga magagapi." Ngunit hindi iyon papaniwalaan ni Macros dahil isa lang siyang hamak na sundalo kaya naman magtatanong siya.

"Sino ang aking mapapangasawa?" Nakikinig lang noon si Banoy sa kaibigan at sa sinasabi ng mga unggoy.

"Magkakaroon ka ng asawang napakagasta. At magkakaroon ka ng sakit na Lupus." Na hindi niya gaanong maririnig ng malinaw dahil biglang nabulabog ang kakahuyan ng mga putok. Napakaganda ang pagkakarinig ni Macros sa isang salitang binanggit ng unggoy. Inalerto agad ni Macros ang sarili dahil narinig niya na ang dapat niyang marinig. Sa pagkakataong iyon ay si Banoy naman ang naghintay ng sasabihin ng mga unggoy.

"At ikaw naman Banoy, ayon sa saging na senyorita, ay ituturing bilang isang bayani. Hindi ng digmaan kundi ng lipunan. Maghahari ang mga anak mo sa iba't-ibang bahagi ng kapuluan. Mamahalin ng mga magiging anak mo ang lupaing kanilang sinilingan. Magiging laman ka ng mga papel at pahayagan." At pagkatapos noon, bigla uling makakarinig ng putukan ang dalawa. Aalerto na rin si Banoy at hahawakan ang armalite.

Liriko 3: BattlesWhere stories live. Discover now