Tinta sa Daan

144 4 0
                                    

Malakas na umalingaw-ngaw ang sirena, hudyat na ubos na ang oras ng kalayaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Malakas na umalingaw-ngaw ang sirena, hudyat na ubos na ang oras ng kalayaan. Panahon na upang bumalik kami sa aming kanlungan sa malamig at nakatatakot na gabi-gabi ng aming buhay; maghihintay sa muling pagsikat ng araw kung kalian maaari na naman kaming lumabas at humarap sa bagong pagsubok dala ng bagong umaga.

Takot.

Pangamba.

Itoang naging resulta ng himagsikan. Ito ang naging resulta ng pagkatalo't pagsuko. Sa pag-aklas ng walong probinsiya sa Presidente ng aming bansa, ay ang simula ng mga bangungot na tila hindi na kailanman matatapos. Ang himagsikan ay bunga ng paniniil ng mga may matataas na katungkulan sa bansa. Inabuso nila ang kanilang kapangyarihan. Ginawa nilang laro ang buhay. Tinakpan nila ng mga mabubulaklak na salita—ng hustisya at pagsugpo sa kriminalidad at droga—ang walang habas na patayan.

Kaya naman ang mga pinunong Astabang, BacLuna, Vatce-i, Angula, AmiaLyn, NajaCueIve, Ganamppa, at CarTal ay napagod nang magbulagbulagan. Sila ang nanguna sa pag-aaklas, ngunit sa taon ding iyon natapos ang demokrasya at bumangon ang pamahalaang diktatoryal kasabay ng pagpanaw ng walo.

Kaming mga napag-iwanan ang nagbabayad. Kaming mga inosente at walang muwang ang siyang naghihirap. Nagtatago at nangangamba na baka sa susunod kami na ang bubulagta sa daan. Nais man naming isigaw ang hindi makatarungan naming sinasapit sa araw-araw, ngunit kanino? Sino pa ang maglalakas ng loob na makinig sa aming hinaing. Isa pa, hindi lamang kami nagbubulag-bulagan, kasabay ng pagpanaw ng aming mga pinuno ang pagkawala ng aming mga boses.

Wala na ang pag-asa, matagal na itong naglaho.

Nakita ko ang pagbangon ng takot sa mga mata ng aking kapatid na nahihiga sa aking harap. Isang malakas na sunod-sunod na putok ang aming narinig at ang nakakatakot ay hindi iyon kalayuan kung saan kami nagkukubli.

"Ate," nangangatog ang boses ni Mia na kumapit sa akin.

"Shhh, 'wag kang matakot, malayo iyon sa atin. Matulog ka na," alo ko sa aking kapatid kahit pa nga kababakasan rin ng takot ang aking boses.

"Pero ate Kathy, hindi lang iyon ang kinakatakot ko. Isang taon na naman ang lumipas. Bukas na ang pagpili sa susunod na representate ng ating bayan. Natatakot ako. Paano kung isa sa atin ang mapili? Ano nang gagawin natin kung mangyari nga iyon?"

Napabuntong-hininga ako. Bukas na pala ang pagpili ng susunod na representante ng bayan. Kay gandang bansag, ngunit sa likod ng mga salitang iyon ang isang malagim na kapalaran. Kapalarang isa lang ang kahahantungan—kamatayan.

Taon-taon namimili ang Pangulo ng mga tao, isang babae at isang lalaki sa walong bayan na naghimagsik sa kanyang pamumuno. Pinaglalaban sila hanggang kamatayan. Matira ang matibay at ang magwawagi sa patimpalak ang bibigyan ng pagkakataong suportahan ang kanyang bayan. Binibigyan ang nagwaging bayan ng katahimikan at kapayapaan sa loob ng isang taon.

Liriko 3: BattlesWhere stories live. Discover now