Masayang Pagtatapos

106 4 0
                                    

Walang tigil na tumulo ang mga luha ko nang makita ko si Papa na nakahiga sa isang malaking kahon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Walang tigil na tumulo ang mga luha ko nang makita ko si Papa na nakahiga sa isang malaking kahon.

"Wala na ang Papa mo, anak," lumuluhang ani Mama.

Wala na siya. Wala na siya. Paulit-ulit na tumakbo sa isip ko ang mga salita na binitiwan ni Mama. Wala na si Papa. Hindi na siya babalik sa 'min. Paano na si Mama? Paano na ako? Paano na ang mga pangako niya?

Kumuyom ang aking kamay. Ang sama nila. Ang sama-sama nila.

Hindi ko man lang magawang tingnan si Papa nang matagal. Hindi ko kayang makita ang marka ng mga bala na bumaon sa kanyang katawan.

Hindi ko rin magawang ipikit ang aking mga mata dahil sa tuwing ginagawa ko ito, paulit-ulit kong naririnig ang mga boses ng mga taong nanghusga kay Papa.

Kailan ba naging mahalaga ang kulay ng balat ng tao? Ang kulay ba ng balat ang basehan upang makagawa ng kasalanan?

Hindi niya magagawang manakit ng iba. Hindi niya kayang magnakaw dahil kahit na mahirap lang kami, tinuruan niya kaming maging kuntento. Higit sa lahat, hindi niya... hindi niya magagawang pumatay ng tao.

Wala siyang kasalanan. Dahil sa loob ng sampung taon na nabubuhay ako kasama ang mga magulang ko, nasaksihan ko kung gaano sila kabait sa lahat ng tao.

Na winakasan ng panghuhusga ng mga tao.

"Bakit kasi kailangan niyang tumakas sa kulungan kung wala siyang kasalanan?" Umiiyak na ani ng aking Tiya.

Humakbang ako paatras. Mas lalong nadurog ang puso ko.

Ako, alam ko kung bakit siya tumakas.

Dahil ang araw na 'yon ang anibersaryo nila ni Mama.

"Magandang gabi." Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Nakikiramay ako." Siya 'yong abogado ni Papa.

Paano niya nagawang maniwala kay Papa? Magkaiba ang kulay namin, pero bakit siya naniwala kay Papa? Paano niya nagawang imulat ang kanyang mga mata sa katotohanan?

Bakit hindi 'yon nagawa ng mga taong kulay puti rin ang kulay katulad niya?

Sa huling pagkakataon, lumapit ako kay Papa at pilit na pinagmasdan ang kanyang mukha. Kumirot ang puso ko nang makita ko ang nakangiti niyang mukha.

"Pa, masaya ka na ba ngayon?" mahinang tanong ko.

"Siguro oo," ani ng abogado ni Papa. "Dahil malaya na siya." Oo, malaya na siya. Malaya sa mga panghuhusga.

"Alam mo ba na hindi naman mahalaga kung nanalo o natalo ka sa isang laban? Dahil ang mahalaga, lumaban ka ng tama."

Nagulat ako nang pinunasan niya ang pisngi ko. "Naaalala ko sa 'yo ang anak kong babae. Mukhang mahina sa una ngunit may tinatagong lakas."

Liriko 3: BattlesWhere stories live. Discover now