Chapter 05

1.1K 31 1
                                    

#FATWRFive

White team ay naka-ten points habang ang blue ay nakaka-anim pa lamang. Tahimik akong nanonood habang sila Francesca ay patuloy sa pagtili dahil ang mga ultimate crushes nila ang naglalaro at ang crush ni Sheena sa blue team ang laging nakaka-shoot.

"Aray be! Bakit ka ba nanghahampas?" singhal ni Sheena kay Francesca nang hampasin siya nito ng malakas sa braso.

"Eh kasi naman ano ba! Kinikilig ako..." namumula ang pisngi na sambit ni Francesca na para bang nanggigil pa dahil sa kilig.

"Ang OA mo naman! Hanggang tili nga lang ako tapos ikaw may hampas pa?"

"Bakit ba? Kaibigan mo naman ako diba?" reklamo ni Francesca bago nagtaas ng isang kilay at pingkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.

"Hindi ko nga alam kung bakit kita naging kaibigan eh..." pang-aasar pa ni Sheena dito. Inirapan na lamang siya ni Francesca at lumipat mula sa gitna papunta sa isang side para tumabi sa akin.

"Sino ba yan? 'Di ko yan kilala. Feeling close!" sabi ni Francesca habang nakanguso at paulit- ulit na iniirapan si Sheena. Kami namang dalawa ay patuloy na lamang na natatawa dahil napakabilis talagang magtampo nitong kaibigan namin.

Natapos ang laro na panalo ang white team. Dahil na rin siguro sa mga players nito na grabe kung makipag- cooperate sa isa't- isa na kung ikukumpara mo sa blue team ay parang nagpapayabangan lamang sa kung sino ang pinakamagaling maglaro sa kanila.

"Sayang talo sila Nathan..." bulong ni Sheena at napahawak sa kanyang noo bago ngumuso. "Ano ba naman 'yan? Akala ko ay sila na ang mananalo..."

"Bulok naman kasi si Nathan Arguelles mo." bulong ni Francesca pero sapat naman ang lakas upang marinig naming dalawa.

Nakuha 'non ang atensyon ni Sheena dahilan para humarap siya. "Anong sinabi mo, bruha ka?"

Pinandilatan siya ni Francesca, "Aba bakit? Totoo naman kasi. Mas magaling pa si Harvey ko na nasa white team. Masyadong mayabang 'yang Nathan mo!" pang-aasar pang lalo ni Francesca sa kaibigan namin.

"Aba, mas gwapo naman siya sa Harvey mo. Teka, sa'yo ba si Harvey? Hindi naman diba?" at parang nanunuya talaga ang ginawang pagsagot ni Sheena.

Mapait na napatawa si Francesca at ibinalik ang tanong kay Sheena, "Bakit? Sa'yo rin ba si Nathan?"

Tahimik lamang ako na namamagitan sa kanilang dalawa hanggang sa pati silang dalawa ay kusa nang namahimik. Biglaan na lang silang nagyakapan ay tinapik ang likod ng isa't-isa.

"Hindi naman sila sa'tin eh. Bakit pa tayo nag-aaway?"

"Ewan ko sa'yo. Isa ka rin kasing assumera eh."

"Parang ikaw hindi?"

"Oo na. Parehas na tayong naga- assume na magiging atin sila..."

At parehas sila ng ginawa - ang pekeng pagngawa na para bang mga matang inagawan ng laruan at lollipop.

Bahagya akong napatawa, "Ang OA niyo. May laban pa ang green at yellow team bukas. May mga crush pa kayo doon hindi ba?" mapang-asar kong tanong sa kanilang dalawa bago pinitik ang kanilang noo.

"Aray naman!" sabay pa nilang sabi bago hinawakan ang kani- kanilang noo. Ngumisi ako at dinuro silang dalawa. "Kung nakita ni Angeline ang ginawa niyo ngayong kaartehan at kadramahan, mas malala pa ang gagawin 'non sa inyo..." natatawa kong sabi bago sabay na kinurot ang magkabila nilang pisngi.

"Wala kasi kayong crush eh!" singhal ni Francesca sa akin.

Ngumiti na lamang ako at inilibot ang aking tinggin hanggang sa tumigil ito sa isang pamilyar na pigura.

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now