Chapter 29

892 17 2
                                    

#FATWRTwentyNine

"Pagkapunta na pagkapunta at pagkatapak na pagkatapak ko pa lamang sa pamamahay ni daddy ay sinalubong niya na agad ako ng suntok. Without hearing all my explanations, he believes with what Christine said, with her lies..."

Hinaplos ko ang likod ni Vaughn bago siya pinagmasdang maigi at inayos ang kanyang buhok. Dahan-dahan akong umupo sa kanyang tapat bago inayos ang aking sarili.

"Anong kasinungalingan ba ang sinabi ni Christine sa dady mo?" tanong ko sa kanya.

Napangisi si Vaughn at napahilamos sa sariling mukha. "Na ako 'yung kumuha nung pera."

Kumunot ang noo ko. "Anong pera? Pera naman 'yon para saan?" tanong kong muli sa kanya.

"Yung para sa pangsugal niya." pagak na natawa si Vaughn bago umiling. "Ang daming bisyo ng tatay ko. Si Christine lagi niyang papaboran kahit may nagawang mali. Ako kahit wala, ako lagi pinag-iinitan."

Tumango ako at bumuntong hininga. "Ayos lang 'yan, Vaughn. Makikita rin naman ng tatay mo yung worth mo..." ngumiti ako ng matamis at kinurot ang kanyang ilong. "Smile ka na. H'wag ka ng umiyak. 'Yun lang ba?"

Umiling siya. "Madami..." tumingin siya sa kisame at huminga ng malalim. "Madami pang problema between sa'min ni daddy, lalo na sa pamilya namin..."

"Katulad ng?"

"Tinakwil na ako ni daddy bilang anak. I mean, hindi naman niya ako ni-trato bilang isang anak kahit kailan pero Alexia, mas masakit pala ngayon..."

Nanubig ang mga mata ni Vaughn at ginusto niyang itago ang panghihina niya pero hindi na niya nagawa dahil nakita ko na ang lahat. Nakita ko na nanghihina siya.

"H-he never treated me like a son, alam mo ba 'yon? Masakit 'yon para sa'kin syempre. Maliban sa katotohanan na anak ako sa labas, mas masakit 'yung ni minsan hindi niya ako tinawag na anak. Sutil siguro, 'yun ang pangalan ko para sa kanya. G-ganon kasi 'yung laging tinatawag niya sa'kin eh. Lalong sumakit yung nararamdaman ko dahil sa k-kanina..." nabasag ang boses ni Vaughn habang nagsasalita at halata sa kanya na talagang pinipigilan niya ang sarili na umiyak muli.

"Of course I love my dad. Wala naman sigurong anak na hindi minamahal ang magulang diba? A-alam mo ba Xia? Halos araw-araw paggising ko doon ako umaasa na baka isang araw, isang normal na araw ang magpabago ng buhay ko. Baka kasi makita ni daddy na anak niya rin ako, na baka makita ng papa ko na naandito lang ako."

Tumulo ang mga luha ni Vaughn -- 'yung mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Nangatong ang kanyang mga balikat pati na ang mga kamay niyang kanina'y nakabukas ngayon ay unti-unti nang kumukuyom.

"G-Gusto ko talagang magalit kay daddy kasi anak niya din naman ako, may dugo niya na nananalaytay sa dugo ko p-pero bakit ganon? Sa tuwing t-tinitignan ako ng sarili kong ama ay parang kung s-sino lang ako sa paningin niya. W-Walang pagmamahal, walang pag-aaruga. W-Wala 'yung mga bagay na dapat natatanggap at nararamdaman ko mula sa kanya, 'yung mga bagay na dapat... dapat nararamdaman ko kasi t-tatay ko siya..."

Niyakap ko si Vaughn dahil 'yun na lamang ang pwede kong gawin para sa kanya. Kahit ba hindi malutas ang problema niya basta maramdaman niya lang na mayroong taong nakikinig at dadamay sa kanya sa oras ng mga problema at mga hinanakit.

Hinaplos ko ang kanyang likod at tanging pagtango lamang ang ginawa ko sa lahat ng kanyang sinasabi tungkol sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa kanyang ama.

Makikinig lang ako, hanggang sa matapos siya at mapagod na umiyak.

"Pero hindi ko magawang magalit sa kanya, Xia. Kasi sa puso at isip ko na k-kahit ganoon ay tatay ko pa rin siya. Kahit na alam kong may galit siya sa'kin d-dahil nakikita niya sa'kin 'yung i-imahe ng babaeng nanloko sa kanya..."

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now