Chapter 23

700 13 0
                                    

#FATWRTwentyThree

Broken. We are all broken. We can be fixed kahit walang taong tutulong sa'tin. We just need to believe and love ourselves in a way greater than loving the wrong ones.

"Earl, hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maitama lahat ng 'to..." ani ko bago kinagat ang aking pang-ibabang labi.

"Maitatama naman natin 'to, Alexia. M-Magtiwala ka lang sa'kin. Please."

"Nagtitiwala naman talaga ako sa'yo, Earl. Katunayan nga ay sa'yo na lahat ng tiwala ko. P-pero bakit parang ang tagal naman?" taka kong tanong sa kanya. Halata na boses ko ang sakit at kung gaano na rin ako kainip mula sa paghihintay.

"Alexia, bigyan mo pa ako ng oras. Sasabihin ko naman kay Christine, talagang hindi lang ako makahanap ng tyempo."

"Ang dami ng oras na nasasayang, Earl. Hindi ko alam kung anong plano mo at hindi ko alam kung anong lugar ko diyan sa puso pati sa buhay mo..."

Doon na ako umiyak. Sobrang bigat na ng loob ko dahil na rin sa nararamdaman kong sama ng loob at tampo sa kanya. Ayoko naman sanang magtanim ng galit at inis pero hindi ko naman talaga maiwasan na hindi magawa 'yon lalo na kung ganito naman ang sitwasyon ko.

Tinitigan lamang ako ni Earl habang malungkot at naguguluhan ang ekspresyon sa kanyang mukha. Ilang beses din na bumuka ang kanyang bibig na para bang may sasabihin ngunit hindi niya itinutuloy kung ano man ang mga 'yon na plano niyang ipaalam sa'kin.

Itinaas ni Earl ang kanyang mga braso bago ako dahan-dahan at masuyong hinila para sa isang mahigpit na yakap. Lalong tumindi ang sakit na nararanasan ko sa puso ko, lalo kong naramdaman ang mga kamalian na ginawa ko ukol sa mga desisyon ko. I tightly closed my eyes at maiging pinakiramdaman ang mainit at mahigpit na yakap ni Earl sa'kin. Nababasa na ang kanyang polo dahil sa luha ko pero wala siyang pakealam doon. Mas lalo niya akong idiniin sa kanyang dibdib at pilit na pinapatahan.

Paulit-ulit na hinahaplos ni Earl ang aking buhok pababa sa aking likuran. Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko lalo na't pati ngayon at tuluyan ng nadadamay ang iba sa mga kaibigan ko. Si Vaughn, nadadamay na si Vaughn sa lahat ng 'to.

Naalala ko 'yung gabing nagtapat si Vaughn ng nararamdaman niya para sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung pagmamahal, pag-aalala at iba pang emosyon na pwede niyang maramdaman para sa akin. Pumikit pa ako at muling humikbi, nasasaktan ako. Kung kaya ko lang tapusin ang lahat ng 'to ay ginawa ko na.

Alam kong kaya ko naman. Ang hindi ko lang kaya ay ang iwan si Earl at hindi maramdaman ang malaya niyang pagmamahal para sa'kin.

"Alexia, tumahan ka na. Alam ko namang magiging ayos din ang lahat ng 'to..." pag-aalo sa akin ni Earl habang paulit-ulit na hinahalikan ang aking buhok.

Hindi ako sumagot. Bagkus ay kumilos ang aking mga braso upang ipulupot 'yon sa kanyang beywang at yakapin siya ng mas mahigpit.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at sinapo ang parehas kong pisngi bago ako seryosong tinitigan sa aking mga mata.

"Alexia, alam kong bata pa tayo pero alam ko rin na mahal kita. Mahal kita Alexia, 'yun ang totoo. Ikaw yung babaeng pinapangarap ko noon pa lang, ikaw talaga..." inalis niya ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha bago 'yon dahan-dahang inipit sa likuran ng aking kaliwang tainga.

"Ikaw lang talaga, Alexia..."

Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na sinasapo ang parehas kong pisngi bago siya tinitigan direkta sa kanyang mga mata.

"Mahal mo din si Christine hindi ba?"

"Mas mahal kita, Alexia."

Umiling ako at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko, "Pero mahal mo din siya Earl. Hindi naman pwede 'yon, hindi ba?" tanong ko habang

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Where stories live. Discover now