Chapter 10

1K 31 1
                                    

#FATWRTen

"Xi-Xia?" nauutal na pagbanggit ni Earl sa aking pangalan sa patanong na paraan. Hindi makapaniwala na naandoon ako sa kanyang harapan.

Kumunot ang noo ko at agad siyang nilapitan, "Eto ba yung ipinupunta mo madalas sa greengate? Yung magmamakaawa ka na h'wag ka lang iwan?" naiinis kong tanong sa kanya.

"A-Alexia naman..."

"Ano? Sagutin mo 'ko Earl!" singhal ko sa kanya at tinapunan siya ng isang masamang tingin.

"H'wag na dito, please. H'wag na dito..." bulong niya na halos at inabot ang aking kamay. "Please? Sa ibang lugar na lang tayo mag-usap, Xia..."

And that's what we did. Humanap kami nang lugar na pwedeng mag-usap kaming dalawa ng maayos tungkol sa nangyari sa kanya.

At natagpuan na lamang naming dalawa ang sarili namin na nakaupo sa malamig na semento ng rooftop.

Narinig ko ang paulit-ulit na pagbuntong hininga niya. Naiirita ako. Gusto ko nang magtanong pero siya na mismo ang nagsabi sa'kin na manahimik ako.

"Earl-"

"Wait lang, Xia..." pinunasan niya ang kanyang mga mata nang may mga butil pa ng luha.

Napakagat na lang ako sa aking pang-ibabang labi bago kinuha ang panyo ko at mabilis na iniharap ang mukha niya sa akin.

"Oh ayan wala na. Ang kupad mo, para kang bata..." sabi ko sa kanya matapos kong punasan ang mga mata niyang basa ng luha gamit ang panyo ko.

"A-Alexia..." sabi pa nito na para bang nahihiya at kasunod 'non ang pagkagat niya sa kanyang pang-ibabang labi.

"Earl, bakit ba-"

Hindi na naman natuloy ang aking sasabihin nang biglaan niya akong hilahin para sa isang mahigpit na yakap at sa mga balikat ko siya umiyak.

Naoabuntong hininga ako, ang hina ni Earl pagdating sa pag-ibig. Hindi ko alam kung naaawa ba ako o naiinis kasi gusto ko na dapat ako na lang si Christine? Para ako na lang yung babaeng mahal na mahal ni Earl.

Hinagod ko ang kanyang likod, umaasa na baka dahil doon at sa kanyang pag-iyak ay gumaan naman ang kanyang loob. Nanginginig ang kanyang mga balikat at ngayon ko lang napagtanto na napakapayat pala ni Earl. Bagsak ang katawan niya at parang hindi kumakain.

"Earl, sabihin mo na sa'kin kung bakit ganoon ang sitwasyon niyo. Nag-aaalala ako..." mahinang ani ko sabay hawak sa kanyang kamay at binigyan siya ng isang determinadong tingin.

Napatingin siya sa akin nang mabuti bago ako mabilis na tinanong, "Sigurado ka ba talagang gusto mong malaman?"

Tumango ako, "Oo naman. Para saan pa't naandito ako hindi ba? Papakinggan kita..." sabi ko pa para lamang sabihin niya na talaga sa'kin ang totoo.

Totoo naman ang sinabi ko na papakinggan ko siya sa problema niya ngayon pero higit sa lahat ay gusto kong malaman kung bakit ganoon na lamang ang pagsunod niya sa babaeng 'yon. Ni ayaw ko na ngang banggitin ang kanyang pangalan dahil sa inis.

"S-Sa ganito kasi nagsimula 'yon..." tumango na lamang ako at tahimik na nakinig sa pagku-kwento ni Earl ng lahat lahat sa akin.

For All The Wrong Reasons (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum