Chapter 24.

790K 7K 994
                                    

Chapter 24.

Back then

"Tapos mo na ba yung plate mo? Sa Monday na ipepresent yun kay Sir," sabi ko sa kaibigan kong si Ynah. Naglalakad kami sa corridor ng Building B ng school. Nandoon ang gym at ang canteen. Bagong renovate ang building na iyon, mas umaliwalas dahil pinalitan ng white ang dating dark red at brown na kulay niyon dati.

"Hayaan mo na 'yun. Keri ko yan!" sabi niya habang nakatingin pa rin sa harap at kinakaladkad ako.

"Ha!? Hindi ka pa gumagawa? Ynah!?" hindi makapaniwalang bulalas ko sa kanya.

Wala namang tao kaya okay lang. Nagulat din ako kung bakit walang tao sa Building B ngayon. Kadalasan ay maraming nakatambay na estudyante nang ganitong oras. Pero ngayon, mga naglilinis lang ata na mga janitor ang nakikita ko. Siguro dahil Saturday.

Humarap si Ynah sa akin at napangiwi. "I'll do it tonight, Rein. Promise. Promise talaga. Kapag di ako nakagawa, hindi ako papasok, papagawa akong letter kay Tito na may lagnat ako."

I rolled my eyes. Ang tamad talaga nitong babae na ito. Nang lumipat ako dito ay siya ang una kong naging kaibigan dahil naging seatmate ko siya sa halos lahat ng subjects. She was never into Architecture but iyon ang gusto ng lolo niya for her kaya wala siyang nagawa dahil ang lolo niya ang nagpapaaral sa kanya dahil patay na ang parents niya sa isang car accident. At ang sinasabi niyang tito ay isang doktor kaya naman madali lang siyang makalusot.

Ang alam nga ng lahat ng professor namin ay may asthma siya kahit wala naman. Madalas ay iyon kasi ang dahilan niya.

"By the way, pano mo nga pala nasagutan 'yung sa Mechanics 2? Perfect ka pa! Eh si Trent nga, hindi masagutan iyon." tanong niya na ang tinutukoy ay ang pinakamatalino sa block namin.

Namula ako nang maisip ko ang nangyari kanina. The guy from the soccer field. He was the most gorgeous guy i've ever met. At ang mga mata niya, nang masilayan ko ang mga iyon, I knew my life would never be the same again.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon