Chapter 31.

613K 7K 864
                                    

Chapter 31.

First Love

Napasinghap ako. Halos manlamig ang katawan ko sa narinig ko. Hindi ako makapagsalita, hindi makahanap ng tamang salita para ilarawan ang gulat na nararamdaman ko. At galit, unti-unting namumuo ang galit sa dibdib ko. Nagawa niya 'yon?

"H-he.. you-you mean...?" I gulped. "Oh God, I'm sorry, Carlos! Kasalanan ko 'to" nanghihinang sambit ko, na para bang sa pamamagitan mga salitang iyon ay maibabalik ko ang nakaraan, na magbabago lahat, maibabalik ko ang nawala sa kanya.

Umiling-uling si Carlos at bumaling sa glass wall. He chuckled, na para bang hindi iyon big deal. Tumingin ang mga mata niya sa'kin at tinaasan ako ng kilay. "That wouldn't change anything now, right?"

Napakagat ako sa labi. Guilt flooded me. Ako ang may kasalanan nito. Pati si Carlos ay nadamay. Tinulungan niya lang ako pero siya ang nakatanggap ng galit ni Miguel. "I-I'm sorry," I murmured. "Kasalanan ko. Dapat hindi ka na nasali pa sa gulo naming—"

"Sshh," aniya at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. He caressed my cheeks. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, okay? Kung mayroon mang may kasalanan dito, si Miguel at ako iyon." Tinignan niyang mabuti ang aking mga mata, na parang binabasa niya ang mga nakapaloob doon.

Napayuko ako.

"Hindi labag sa kalooban ko noon ang tulungan kita, Rein.

Inalis niya ang mga kamay niya sa balikat ko. I heard him sigh. "You still love him, don't you?"

Gulat na napatingin ako sa kanya. "No!" Yes.

Tinaasan niya ako ng kilay at ngumiti. Pumitik siya at napailing-iling. "That lucky bastard" he cursed.

I frowned. "I just said no, Visamore."

He chuckled. Sinalubong niya ang aking mga mata. . "You're still a pretty bad liar, Grummon."

Parang biglang napako ako sa aking kinatatayuan. Grummon. Yes, after so many years, may tumawag uli sa akin sa apilyidong iyon. Sanay na akong may tumatawag sa akin sa maiden name ng mama ko na nakalimutan ko na yatang hindi iyon ang tunay kong pangalan.

"Gardencias" I breathe heavily. He met my gaze. "That's what I'm using now."

Kumunot-noo siya. "What do you mean?"

Iniiwas ko ang mata mula sa kanyang nagtatanong na mga tingin. "Iyon na ang ginamit ko simula nang mapunta ako ng Maynila, Carlos. After—after kong umalis dito sa Verde Ablia."

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong nanigas siya. Huminga ako ng malalim. Alam ko na ang maari niyang sabihin pagkatapos. Hindi ko akalain na darating sa point na maieexplain ko pa sa kanya ang nangyari noon. Gusto kong matawa sa mga sirkumstansya. Laging lumalabas na nang-iiwan ako.

"Oh, yes, that. You still owe me an explanation, Rein. Bigla ka na lang naglahong parang bula. You-you left me" aniya sa seryosong tinig. Naramdaman kong walang galit doon ngunit alam kong may halong sakit at pagdadamdam sa isang banda doon.

Ipinilig ko ang ulo ko at sumulyap sa kanya. "Are you single, Visamore?"

He tsked. "Is this the part where the girl goes back to her first love? Sorry, love, but you're too late. I'm taken. I'm engaged, in fact." He boasted.

I could tell that he was telling the truth. I saw the love in his eyes pero mayroong halong lungkot iyon. Bakit naman siya malulungkot?

I smirked. "Nah, you look too old for me. At saka tinitignan ko lang kung taken ka na baka kasi, you know, habul-habulin mo ako." I teased.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon