Chapter 35.

561K 10.5K 2.8K
                                    

Chapter 35.

Hell to pay

Napaawang ang aking mga labi at hindi agad ako nakaapuhap ng sasabihin. I heaved out a shaky breathe. "Suicide?" Daig ko pa yata ang nasabugan ng bomba sa narinig.

Tinignan niya ako ng mataman. "Dinurog mo ang puso niya. Worse, muntik pa siyang mamatay dahil lang sa'yo. Imagine how he loved you then." Kumunot ang noo niya. "Alam mo bang muntik nang masunog ang bar ko dahil sa lalaking 'yon? That bastard," he cursed.

Napipilan lamang ako. Then I realized I was shaking. Nanlalambot ang mga tuhod ko. The pain was killing me. Pilit kong iwinawaksi ang imahe ni Miguel sa isip ko na walang malay, duguan at nag-aagaw buhay. And it was all my fault.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa iyon ni Miguel.

He sucked in a deep breathe before exhaling, "I'm sorry." Then he silently cursed. Tumingin siya sa lapag na parang pinagsisisihan niya ang mga sinabi niya. "I didn't know what came into me at sinabi ko sa iyo iyon."

Kahit nasa medyo madilim kami na bahagi ng bar at may malakas na tugtog at hiyawan na pumapaalinlangan sa buong lugar ay kitang kita ko pa rin ang kanyang ekspresyon at dinig na dinig ko ang kanyang bawat salita.

Bumalik uli ang tingin siya sa mukha ko. "But something's telling me that you should know about that."

I bit my lips. Para madagdagan ang guilt na nararamdaman ko?

Casual na ipinasok niya ang mga kamay niya sa kanyang bulsa. "I'm sorry. Hindi na dapat ako nangingialam sa inyong dalawa. Anyway, it was just a theory. I'm just glad na buhay siya."

"Trey..." I murmured.

Tipid siyang ngumiti. "Siguro nga may dahilan ka kung bakit ka umalis, Rein. I know you're not that kind of girl. Pareho tayo ng pinanggalingan so I trusted you."

Galing sa hirap si Trey dahil maagang naulila sa mga magulang. Ang akala niya talaga ay ganoon din ako which is quite true dahil ako ang bumuhay sa sarili ko nang mga panahong nagsarili ako.

He walked towards me hanggang mapunta siya sa kanan ko. "Kung totoo nga iyon. If you're going to enter his life again. Please, do make him happy." Nagbuga siya ng hangin. "Just... give him the happiness he deserved. He's been through a lot"

Napalunok ako sa sinabi niya. I tilted my head para pumaling sa kanya. He was looking past my shoulder. If i'm going to enter his life again?

Napaigtad ako ng tumingin siyang muli sa'kin. His face remained expressionless pero kalmado na ang aura niya.

"Another thing," he breathed at dahan dahang dumukwang palapit sa akin at mahinang ibinulong ang huling mga salita.

Nag-iwas ako ng tingin at mariing napakagat sa aking labi. Hanggang sa naramdaman kong nakaalis na si Trey at mag-isa na lamang ako sa parteng iyon. Even the couple were gone. Nanghihinang napasandal na lamang ako sa dingding at dumausdos pababa hanggang sa napaupo na lamang ako.

Diniin ko ang ulo ko sa pader.

Why, Miguel? I don't deserve your life. That was insane!

Hindi ko siguro mapapatawad ang sarili ko kung may natuloy man iyon. He doesn't deserve that. Bakit hindi na lang siya humanap ng iba? Bakit hindi na lang siya nag move-on? Pero sa loob loob ko ay nasasaktan rin ako sa isiping iyon. Na may mahal siyang iba. Pero diba iyon naman ang pinaghandaan ko noon? Iyon naman ang inasahan kong mangyayari the moment na umalis ako sa buhay niya? Baka makaya ko nga.

But this, with the image of him committing suicide, is too much to handle.

"Miss, okay lang po ba kayo?" takang tanong ng isang waitress sa akin.

Romancing The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon