Chapter 2

98 4 14
                                    

Contrived - Chapter 2

Today is Sunday night, and obviously, Monday bukas. First day of school na naman. But tomorrow is a little bit different dahil bukas ang simula ng first day ko as a Senior High School student.

Nakakakaba pero walang mangyayari kung uunahin ko ang takot. Ano pa ba ang katatakutan ko kung ang dating ayaw kong mangyari (which is iwan niya ako) ay nangyari na? Anyways, fear conquers fear. Mawawala ang takot mo kung haharapin mo ang kinatatakutan mo. Medyo magulo, parang siya lang.

Dahil gusto ko maging responsableng bata ngayon, inayos ko muna ang mga posibleng gagamitin bukas. Nilagay ko lahat para hindi mapatulad sa ex kong naghanap sa iba dahil may kulang sakin.

Hindi pa masyadong malalim ang gabi pero nahiga na ako. Tulog na, maaga pang aasa bukas!

* * *

"Haystemaru," I said sleepily. Aksidente ko kasing natabig ang alarm clock ko. Alarm clock na nga lang ang may oras sakin tapos papatayin ko pa? Anyway, natabig ko kasi tunog ng tunog pero wala akong balak bumangon, at nung papatayin ko na, nasagi ko naman. Ayon, nasa sahig na, sira na. Parang relasyon namin, sira na. At lahat ng nasira ay hindi na babalik sa dati.

Wala pa sana akong planong mag ayos pero para sa ekonimiya, sige na nga. Ayoko pang pumasok. Pwede bang iextend ang bakasyon? But that's life. It is what it is. Walang extension. Walang reset. Walang fast forward. Walang pause. Walang forever.

Ayan na naman. Agang aga nalabas ang pagiging bitter ko. Hindi naman ako totally bitter. Mapait lang ang mga pinagdaanan ko. At naiilabas ko lang ang mga hinanakit ko sa pamamagitan ng pag hugot.

Dahil masyado akong nagiging madrama, naligo na ako and after that, I went inside my walk in closet upang maghanap ng susuotin ngayong araw. Dahil first day of school pa lang, and according to Phoebe, we're not required to wear our uniforms today. So I'll spend a lot of time finding the right outfit dahil feel ko mag effort para sa OOTD ko for today.

Syempre first day of school pa lang and I want to make a good impression kaya dapat pak na pak ang make up and outfit ko for today. Class is my middle name and fashion is my passion. I don't do something just to fit in because I am born to stand out.

Nang matapos akong pumili ng isusuot, naglagay naman ako ng make up. Light lang, hindi heavy dahil pag heavy, baka masayang lang kasi hindi naman niya napapansin. But seriously, light lang dahil sa school lang naman ako pupunta. At feel ko lang mag make up dahil sooner or later magmumukha na naman akong zombie due to school works.

Nag lagay muna ako ng primer. Primer is important because it keeps your face moisturized and it keeps the make up last long. Last long? May nabibili din bang primer na para sa relasyon? Para naman magtagal kami. Anyways, ang silbi ng primer ay para mas kumapit ang make up, at pag ang isang bagay ay matindi ang kapit, it wont get broken easily. Gaya ng relasyon.

Second, I applied foundation on my face. Siguro yung relasyon namin walang foundation kaya madaling nasira...

Third, concealer naman ang nilagay ko. It conceals your flaws, pimples and eyebags. Importante ang paglalagay niyan para naman matakpan ang mga eyebags mo dahil sa pagpupuyat kaiisip sa kanya.

My favorite step, ang eyebrows on fleek. Ang eyebrows on fleek ay nilulugar. Dahil sa school lang naman ako pupunta, hindi masyadong intimidating ang dating but strong enough to scare the bitches away.

Liptint na lang ang nilagay ko sa labi at pisngi ko. Liptint or cheektint lang para mamula ng konti ang labi at pisngi ko. Kasing pula ng mga mata ko noong iniiyakan kita.

Nag spray din ako ng aking favorite perfume. Daisy Dream by Marc Jacobs. Dinamihan ko sadya ang paglalagay ng pabango para kahit nasa malayo pa lang ako ay naamoy na ng mga linta at higad na papadating na ang reyna.

ContrivedWhere stories live. Discover now