Chapter 4

68 3 14
                                    

Contrived - Chapter 4

Gumising ako ng maaga para hindi malate sa school. I just did my mourning routines at sinuot ang school uniform. Konting araw pa lang ako sa RK University and I already love the school. Seriously, how can you not love RK? Pag pasok mo pa lang sa school, hindi mo na gugustuhing lumabas. The school has everything! Madami at malaki ang canteen, garden, classrooms, hallways, court, auditorium at library! Plus, airconditioned ang buong school.

Also, our school uniform is perfect. Before, when I found out na hindi required mag uniform and college students sa RK, medyo nainggit ako kasi they can wear anything they like. Pero nung nakita ko ang uniform namin, I was so happy. Parang uniform ng mga boarding schools sa London o yung mga sinusuot nina Hermione Granger sa Hogwars ang uniform namin. Medyo mabanas dahil hindi bagay sa climate ng Pilipinas, pero pwede na din dahil naka aircon naman ang school.

Wearing makeup in school is not my habit kaya nag lagay lang ako ng powder at liptint saka inayos ang kilay ko. Hindi ko masyadong ginawang on fleek ang aking kilay dahil sa school lang naman ako pupunta. Tinaasan ko lang ng konti ang arch ng eyebrows ko, yung tipong mas mataas pa sa pangarap ng kaaway mo, just to look intimidating like Ms. Castro. Idol ko kasi yon, marinig mo palang ang takong ng heels niyang napakataas, matatakot ka na. She really reminds me of Gabrielle Chanel and Miriam Defensor Santiago...

After doing what I have to do, bumaba na ako para kumain. But before going down, I made it sure na full charge ang phone ko. Muntikan na kasi akong mahuli nung first day. Pagkababa ko nasa mesa na ang aking mga magulang at kapatid, nakahanda na din ang almusal.

"Good morning!" I greeted them. Binati din nila ako ng good morning.

Nilagyan ko ang plato ko ng lahat ng nakahanda sa mesa. Sayang naman kung hindi ko titikman lahat. Pancakes, bacons, french toast and coffee.

I sighed in satisfaction nung makita ko na may kape. I badly need caffeine in my system. I'm a little bit sleepy because I slept around 10 last night dahil may test daw kami ngayon. Hindi kasi ako nagpupuyat, and staying past 9 pm makes me so sleepy and lazy the next morning. Ayoko mag puyat dahil baka magkaroon ako ng eyebags.

Eyebags reminds me of my past. The last time na nagkaroon ako ng malaking eyebags at nagmukhang panda ay dahil sa gago kong ex. Ayoko na magka-eyebags. It's not bad to have it dahil pinaghirapan iyon at pinagpuyatan pero iniwan at niloko na nga ako, ipapamukha ko pa ba? I just want to make sure na sa sunod naming pagkikita, mukha pa rin akong dyosa.

Minsan, sasaktan tayo ng mga taong mahal natin. Pero madalas, dapat ang kagandahan ang hindi nawawala para marealize ng nanloko sa'yo kung gaano siya kagago dahil pinakawalan ka niya.

"Daphne, anak, ayos ka lang?" mom asked all of a sudden. Napatingin naman sa akin si dad at ate. Napasinghap ako dahil kanina pa pala akong tulala. "Are you okay? Iyong pagkain mo hindi pa nababawasan..."

Hindi nababawasan? Parang yung pagmamahal ko sa kanya. Buong buo at hindi nababawasan pero binabalewala lang niya.

"Ayaw mo ba ng pagkain? Sabihin mo lang, magpapaluto ako kay manang," dad said.

Umiling ako. Inaantok lang ako dahil hindi ako sanay mag puyat at naalala ko na naman si ex. "No dad. I'm fine. I'm just sleepy."

Tumango si dad, "If you say so."

Haystemaru. Hindi naman ako aantukin kung walang quiz. Iyong isa ko kasing teacher, kakasimula lang mag turo kahapon at may quiz na agad ngayon. Dahil hindi ako kasing talino ng ate ko, at dahil ayoko din bumagsak, inabot ako ng gabi dahil sa pagbabasa.

Huwarang bata talaga ako, walang kokontra.

I took a sip of coffee. Ugh! Hindi na mainit. Pwede na itong iced coffee, lagyan lang ng yelo ayos na.

ContrivedWhere stories live. Discover now