Chapter 11

12 0 0
                                    

Contrived - Chapter 11

Lutang akong pumasok sa school kinabukasan. Hindi kasi maalis sa utak ko ang mga nangyari kahapon. Sa mga movies at teleserye lang ako nakakakita ng mga taong nagpapatayan, I never thought it could happen in real life. Jared almost died yesterday! Siguro kung hindi nila nasense na may nakakita sa kanila, hindi nila tatantanan si Jared.

I want to forget what I saw because it's so brutal. Dapat kasi may delete button ang buhay. Dapat we can delete the memories that we want to forget and the feelings that we hide.

Just like what happened earlier. Nakakahiya! Gusto ko nang kalimutan.

Bago matulog, hanggang sa paggising, ang mga nangyari kahapon ay lagi kong naalala. Parang wala ako sa sarili. At kaninang breakfast, iniisip ko kung bakit nila balak patayin si Jared. Mukha kasing talagang balak nila ilibing ng buhay si Jared. Member ba siya ng mafia? Is he a criminal? Pusher siguro siya ng drugs? But that's impossible. He's so quiet in class, he's always late, and he's like a lost puppy. Kaya naman nagtataka ako...

At dahil diyan, nawala ako sa realidad. Seriously, bangag ako buong umaga. Hindi ko man lang namalayan na tinidor na pala ang ginagamit ko panghigop ng sabaw!

Tinampal ko ang pisngi ko. Stop overthinking! It's slowly killing you.

I need to focus. Si Miss Castro pa naman ang subject teacher ko ngayon. Hindi pwedeng basta nakatunganga lang ako dahil pag nag recitation, lagot ako.

Kinokopya ko lahat ng nakalagay sa powerpoint presentation. Kinokopya ko din ang mga sinusulat ni Miss sa board. And at the same time, nakikinig din ako sa kung anong dinidiscuss niya.

Multitasking at it's finest!

Mas mahaba pa nga yung kinopya ko kesa sa relasyon namin.

"What a pleasant surprise, Mr. Samonte! You're late again," sabi ni Miss Castro sa kakadating lang na si Jared. His face is swollen. Pano magiging hindi, binubog lang naman siya ng mga taong mas malaki sa kanya.

Bakit kasi hindi siya lumaban? Well, he could've... Maybe he did. Ano ba ang laban niya eh mas malaki ang mga kalaban niya? Besides, sarili lang niya ang tutulong sa kanya dahil wala siyang kasama.

Isinantabi ko muna ang mga naiisip ko at nakinig muna sa discussion.

Hindi ko namalayan na patapos na ang klase dahil feel na feel ko ang magsipag. Sobrang tuwa ko nung narinig ko ang bell. At last, makakakain na din!

"I'll finish discussing this later since it's already time. Mag break muna kayo," said Miss Castro.

Paano mag b'break kung wala nang kami?

"Mr. Samonte, the principal wants to talk to you... See him later before you leave," sabi ni Miss kay Jared.

Hala! Baka alam ng principal ang nangyari kahapon?

Dali-daling lumabas ang mga kaklase ko para pumunta sa canteen. I'm usually one of them, isa sa mga nauunang lumabas dahil atat kumain. But today's different. Natagalan bako ako nakalabas. Lima na lang kaming nasa classroom. Ako, si Jared at ang 3 ko pang kaklase na busy sa pagkopya.

"Wait," I stopped him from going out of the classroom. Curiosity kills the cat. But it's better to know something than absolutely nothing.

"I need to talk to you..." I told him while he's looking at me like he's bored. "What happened yesterday?

Hindi ako pakealamera dahil madalas, wala akong pake. But I know something's up. Wala akong pake pero hindi ako manhid. Maybe this guy in front of me is in trouble.

ContrivedWhere stories live. Discover now