Chapter 7

60 4 1
                                    

Contrived - Chapter 7

Dahil tag-ulan ngayon, malamang naulan. Medyo malamig din ang panahon, parang siya lang.

According to the news, may bagyo daw. Ayan tuloy wala kaming pasok. Pero bakit nung siya ang dumating sa buhay ko, wala man lang warning? Edi sana hindi ako nasaktan at nakaiwas pa ako kung may babala.

Pero wala eh. Dumating siya sa buhay ko sa isang magandang araw. I have no idea that he's a hurricane waiting to happen. And he left me a complete destruction; broken, hurt and lost.

At dahil nga may bagyo, wala kaming pasok ngayon. Kung kailan nakaligo at nakasuot na ako ng uniform, saka naman nagkaroon ng announcement na wala daw pasok. Haystemaru, asar! Parang pag-ibig... Kung kailan nahulog na ako, saka ko lang nalaman na wala pala siyang balak saluhin ako.

Anyways, dapat kasi sinasabi na agad kung meron o walang pasok! Hindi iyong kung kailan papasok na sa school ang bata ay saka palang iaannounce na walang pasok. Kung kailan nabasa na ng ulan, saka pala magkakaroon ng class suspension.

Tsaka, bakit laging elementary lang ang walang pasok? Hindi kami sirena na kayang lumusong sa baha. Tao din naman kaming mga high school at college students, nababasa, nasasaktan.

Sana yung feelings parang bagyo, pwede masuspend.

Ikakain ko na lang ang inis ko, tutal gutom na naman ako.

Habang kumakain ako, biglang nagpakita ang ate ko at nag handa ng tinapay bago inilagay sa bag niya. Pasaan kaya 'to?

"Pasaan ka? May pasok ka?" tanong ko sa kapatid ko na pak na pak ang outfit ngayon. Walang pasok pero parang lalakad sa cat walk ang itsura.

"Oo. I have to go to school," she answered.

"Class suspended daw," paalala ko. Todo aral na naman siguro 'to kaya hindi alam ang balita.

"Class suspended nga... pero hanggang senior high school lang." malungkot niyang sabi. College na kasi siya and as far as I know, she's taking Business Management.

"I have to go, Daph. See you later."

Tumango lang ako. Hindi naman nahaba ang usapan namin ng kapatid ko. Hindi kami ganoong ka-close. Her name is Chantal Elizondo. She's the perfect daughter. Proud sa kanya ang lahat. Samantalang mema lang ako. Memagawa lang.

*  *  *

What to do? What to do? What to do? Iyan ang paulit-ulit kong tanong. I'm so bored at kanina pa akong kain ng kain. Kinuha ko ang sketchpad ko at nagsimulang gumuhit habang pinakikinggan ang mga patak ng ulan.

Titila... Hahangin ng malakas... Uulan. Titila... Hahangin ng malakas... Uulan... Para siyang panahon, pabago-bago.

Natameme ako nung nakita ko ang drawing ko. I love the feeling of being lost to what I'm doing. Iyong feeling na ako lang at ang blankong papel, handa nang maguhitan ng bagong karanasan. Iyong feeling na hindi ka titigil hangga't hindi mo naiguguhit ang gusto mo. But when I saw my drawing, I froze. I want to shred the paper into pieces, but a part of me wants to keep it.

It's a drawing of a girl and boy, under the rain.

Parang kailan lang noong nagkita kami sa gitna ng ulan. Pinayungan niya ako at yan ang simula ng mala-fairytale kong kwento. He's like my umbrella that will protect me against all storms. But little did I know na siya pala ang bagyo na wawasak sakin.

Eto naman kasing si Kupido... Hindi ata marunong gumamit ng pana. Ayan, napunta sa maling tao, niloko, nasaktan at nasawi... pero maganda pa din. Buti na lang hindi nakakabawas ng kagandahan ang katangahan.

ContrivedWhere stories live. Discover now