Chapter 5

67 4 14
                                    

Contrived - Chapter 5

Nakakamangha. Iyan ang RK University. Maberde ang paligid. Hindi dahil green ang pintura ng mga building, kundi dahil madaming puno. Kung wala ako sa loob ng classroom, madalas pakiramdam ko nasa isa akong parke because the place makes me calm.

Maganda din naman iyong former school ko. It's famous but it's not as exclusive as RK. Tao ang nag-aaral sa RK. Sa former school ko, mas marami ang ahas.

Kahit hindi pa ako nakakaramdam ng gutom, dumiretso muna ako sa canteen. Gusto ko sana magtipid para maka ipon ng pera. Pero ang sarap kasi kumain!

I heard my phone beep while eating. Hindi muna ako nag reply dahil mas inuna kong kumain at pakinggan ang ringtone ko. I don't want to be rude pero anong magagawa ko? Hawak ng kanang kamay ko ang iced tea at hawak naman ng kaliwa kong kamay ang pizza. Ang sosyal no? May pizza sa RK. Ginto nga lang ang presyo.

When the song was finally over, tsaka ko kinuha ang phone ko. Letche! Buti na lang mas inuna ko ang pagkain. From unknown number yung sender at nahingi pa ng load!

Tinago ko na ulit ang phone ko, baka mamaya malaglag pa. I'm so clumsy pa naman sometimes.

Sa panahon ngayon, tao na ang pinaglalaruan at cellphone na ang iniingatan.

Nang matapos akong kumain, naglakad na ako papuntang classroom.

Nasaktan, nagbago, iniwan ang katangahan, nirampa ang kagandahan. Iyan ang feeling ko habang naglalakad. The universe is my runaway. Dahil nasa school ako, the hallway is my runaway.

Pero joke lang. Muntikan na nga akong madapa dahil nagmamadali ako. Kakatapos ko lang kumain tapos biglang nag ring ang bell. May kalayuan pa naman ang classrooms ng Senior High sa canteen.

Agad agad akong pumunta sa locker room. Kinuha ko lahat ng possible kong gamitin sa araw na 'to. Dahil motto ko ang food is life, mas inuna ko ang pagkain ng cupcakes kesa pagkuha ng gamit sa locker. Sabi sakin dati ni Phoebe, okay lang daw na ma-late basta pumasok.

Sa kamamadali ko, may nabunggo pa ako sa hallway. I immediately stood up and apologize.

"Sorry..." nahihiya kong sabi.

Tumayo iyong nabunggo ko. He's familiar. Siya si Jared Samonte. Siya yung mukhang problemado nung first day.

Nag sorry ulit ako at tumakbo hanggang 3rd floor. 1st floor ang STEM. 2nd floor ang HUMSS. 3rd floor naman ang ABM. Sa elevator sana ako pupunta pero sabi ng isang staff, inaayos daw kasi sira. Ang swerte ko talaga ngayong araw!

Hingal na hingal akong nakarating sa classroom. Ms. Castro's already inside. Apparently, I'm fifteen minutes late. Isang rule sa klase ni Ms. Castro na unang tatawagin sa recitation ang late. Mahilig sa surprised recitation si Ms. Castro and I'm praying na sana walang recitation ngayong araw dahil hindi ako nakapag aral.

"You're sixteen minutes late, Ms..." she firmly said when she saw me standing by the door.

Sixteen? Fifteen minutes lang naman! Mali ang relo niya!

"Elizondo," I replied while looking at the floor. Nakakahiya.

"And why are you late?"

Oh my gosh! Para akong babalatan ng buhay.

"Uhmmm..." hindi ako nakapag explain dahil may dumating.

"Mr. Samonte, for the nth time, you're late again. Do you even know what time your classes starts? Bigyan kaya kita ng orasan," she told Jared.

I don't know why, but ever since day 1, lagi siyang late. Wala siguro silang relo sa bahay...

Tumingin siya sa aming dalawa, "I want you two to write that you'll never be late again in my class on two sheets of paper. Back to back," Ms. Castro said. "I also want you to site 50 reasons why you'll never be late again. Submit it to me before this day ends."

ContrivedWhere stories live. Discover now