Chapter 3 Summer Trip!

24.9K 549 40
                                    

Sorry for the long update busy po kase sa kabilaang project sana po maintindihan nyo ko promise po sisipagan ko na ang update!

Zein Point of View

"Zein wake up!, wake up!" nagising ang diwa ko sa ginawang pangbubulabog ni Vanessa sa kwarto ko.

Unti unti kong minulat ang mata ko, saka sya tiningnan ng masama "Get out" pagbabanta ko pero tinawanan lang ako ng bruha.

Napalingon ako kay Jerome na ngayon ay nakalawit ang ulo sa may pinto "Vanko hayaan mo na si Zein kita mong natutulog pa yung tao."

Kita ko ang biglang paniningkit ng mata ni Vanessa "anong tulog? bulag ka ba o walang mata?" nginitian naman sya ni jerome yung tipong wala ka ngang makikitang mata, tila nang-aasar pa ito. "di mo ba nakikita na mulat ang mga mata nya?" pagdudugtong pa nya. Umaandar na naman ang pagkamaldita ng babaeng to.

Umayos ng tayo si Jerome at lumakad sa pwesto namin, I mean sa tapat ni Vanessa since nakatayo lang si Vanessa. Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. "bulag? oo bulag na bulag ako sa pagmamahal sayo."

Napatawa ako ng mahina sa naging reaksyon ni Vanessa. Imbis na kiligin mukhang lalo pa itong nagalit. Di na ako nagulat ng nakatanggap ng isang batok si Jerome sa kanya, babanat na nga lang yung palpak pa.

"Anong gusto mong palabasin ha!? na panget ako kaya pinili mong mabulag!"

napasimangot naman si Jerome "nagkakamali ka n-----"

Naputol ang sasabihin ni Jerome ng may biglang bumulusok na kutsilyo papunta sa direksyon nya, na agad naman nyang naiwasan sa pamamagitan ng pagyuko. Halos magkasabay kaming dalawa ni Vanessa na napatingin sa kutsilyo na ngayon ay nakatusok na sa may pader.

"Sh*t ace, are you planning to kill me?" may halong pagkamangha sa boses ni Jerome.

Nahanap ko na lang ang sarili ko na nakatingin kay Ace na walang damit pantaas, dagdag mo pang nakataas ang isa nyang kamay sa ere na may hawak na isa pang kutsilyo. Sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi.

"Who wants to die first?" wika ni Ace na hanggang ngayon ay dala pa rin ang nakakakilabot na ngisi.

Iniling ko na lang ang ulo ko sa ginawang pagtututruan nung dalawa.

"Hoy Jerome, ikaw mauna!" Vanessa

"Masisigurado ko bang susunod ka sakin?"

"Hindi" matipid na wika ni Vanessa "pipiliin Kong mabuhay ng isang minuto" napakunot ang noo ni Jerome sa sinabi ni Vanessa maging ako ay naging ganoon ang reaksyon.

" Isang minuto ng pagkukumpara na nandyan ka at wala" napangiti ako ng mahulaan ko ang nais nyang iparating.

"Dahil di ko kaya na wala ka" saglit syang tumitig sa mata ni Jerome " pipiliin Kong mamatay sa kamay ni ace makasama ka lang"

Naibato ko na lang ang unan ko sa mukha ni Jerome na ngayon ay pulang pula na.

"Wala ba kayong balak umalis?" May halong panunuya sa boses nito.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now