Chapter 13 Boss

12K 624 63
                                    

Cedric Point Of View

"Cedric kanino ka sasama?'"

Napabalik ako sa katinuan ng baggitin bigla ni Raze ang pangalan ko.

"Sa inyo na lang ni Matt" sagot ko pabalik.

Bago umalis sina Nazzer at Nicky ay tumango muna ang mga ito saka tuluyang humiwalay ng landas sa amin. Ano kayang gagawin ng dalawang ito?

"Dito tayo" wika ni Raze na tinahak ang gitnang direksyon na agad naman naming sinundan ni Matt.

Tahimik lang kaming naglalakad at maiging sinusuri ang paligid. Bigla kaming napatigil na tatlo ng may magsalita sa speaker nitong PHU. Mahina namang napamura ang katabi kong si matt sa pambungad nito sa aming lahat.

Welcome to PHU new comers!

How's your vacation though it's not summer?

Are you happy to see the new rules?

I bet, should I give you a clues?

Tik! Tak! Tik! Tak! What time is it?

Fck! Sht! Fck! Sht! it's time for the bloody hours isn't?

Let say your the founder,

Funny I'm the destroyer,

Well call me a boss

Do you expect me to close?

For what? To turn all of this into f*ck loss?

Listen, student here is no longer you people

Not already convince? Do you want a sample?

I must say protect your friends in each care,

If they'll die they're to rare,

Don't try to escape I'm watching you

Have a battle with my cards each of you

Let see who's the right king?

Now, do you want me to sing?

I'm bidding my goodbye to all of you gamers!

My mistake, Welcome to fcking Hell University new comers!

Walang nangahas na magsalita ni isa sa amin. Lahat kami ay mismong naguguluhan sa mga nangyayari. Tangina nararamdaman kong pinaglalaruan lang nila kami dito.

Sabay kami ni Matt na napatingin sa pwesto ni Raze. Nakayuko ito at parehas na nakayukom ang dalawa nitong kamao. Hindi ako magtatanga tangahan para sabihing hindi tumugma kay Raze ang lahat ng sinabi nung nasa speaker.

Kanino ba ipinagkatiwala ng PHU? Diba sa kanya? Nabalik ang tingin ko kay Raze ng mahina itong tumawa.

"Ganon na ba ako kapabaya?" tanong nya.

Ngunit hindi namin sya sinagot ni Matt. Nanatiling tikom ang aming mga bibig.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Bigla kaming nagkatinginang tatlo nina Matt at Raze saka tumango. Di malabong nasa may speaker room pa yung nangahas na magsalita kanina.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now