Chapter 26 Trapped

11.6K 281 63
                                    

Vanessa Point of View

"Is everything okay?"

"Yes ma'am, everything was alligned."

"Good" I speak to the small microphone attached near to my ear. I Cut the call.

Binalik ko ang tingin sa pagmamasaid muli sa paligid. Maya't maya pa ay naramdaman kong may kumulbit sa'kin. Minabuti kong lingunin ito.

"What?" I frowned.

"May problema po" sagot ng isa sa mga kasamahan ko. Tumango ako sign na ipagpatuloy ang susunod nyang sasabihin .

" Nandito na po ulit si Violet " ani nya. Sa di malamang dahilan ay natahimik ako.

'Mag-iingat ka, umaasa kami sayo. Vanessa'.

Napangisi ako "Umatras na kayo " usal ko dahilan para mangunot ang noo ng kausap ko.

"Pano po kayo?" taka nyang tanong.

"Maiiwan ako" tipid kong sabi.

Di ako pwedeng umatras sa misyon ko, umaasa sila sakin. Wala akong nakikitang dahilan para umatras pa ako ng dahil lang sa dumating na ang dating headmistress.

"Di po pwede mahigpit po saming ipinaghabilin ni Sir Francisco na bantayan namin kayo " matigas nyang tugon.

" I can handle myself, " paniniguro ko. "Umatras na kayo, wag kang mag alala alam ko ang mga sinasabi ko " I timidly smiled.

Wala itong nagawa kundi ang bumuntong hininga. I'm still the head. "Masusunod po " bumunot ito sa bandang likuran nya at humugot ng isang maliit na walkie talkie.

"Umatras na tayo " wika nya sa kabilang linya pagkuwa'y pinutol na ang linya. Bago ito tuluyang umalis sumulyap ito sa akin saka nagsalita.   " mag iingat po kayo" tumango naman ako bilang ganti.

Nang mawala na ito sa paningin ko, sumulyap ako sa relohan ko. Pasado ala sais na pala ng umaga. Isang oras na pala ang lumipas. Sa pangalawang pagkakataon ay tinalasan ko ng maigi ang paningin ko para magmasid muli sa paligid. Kahit na pasado ala sais na ng umaga di pa rin nagtatagpo ang liwanag sa dilim, mukhang nagbabadya pang umulan.

Nang masiguro ko sa sarili kong walang kakaiba sa paligid, hinugot ko sa bandang likuran ko ang isang half mask pugkuwa'y inilagay ko saking mukha. This will be the first step of my mission.

-- Flashback --

"Then it settle." Panimula ni Mister Francisco. Napangunot ang aking noo.

" I'm sending you in a mission "

Panandaliang katahimikan ang bumalot saming lahat na naiwan sa naturang kwarto. Dumampi ang malakas na hangin sa mukha ko dahilan para lumipad ang buhok ko. Napalingon ako sa nakabukas na bintana malapit sa pwesto ko.

Nang makabawi ang lahat sa pagkabigla, narinig ko ang boses ni Jena "Misyon? Para saan? " naguguluhan nyang tanong. Inilipat nya ang tingin sakin pagkatapos kay Mister Francisco. Tingin na may pag-aakusa.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now