Chapter 28 Target Hunt

12.2K 279 151
                                    

Zein's Point of View

"Sigurado ka na ba dito Raze?" seryosong tanong ni Mr. Razon

Dahil sa nakasubaybay ang dalawang mata ko kay Raze, nakita ko ang bayolente nitong pagbuga ng hangin sa ere.

Since nasa shotgun seat ito nakaupo, tamad itong nagbalinh ng ulo sa kausap nya saka tipid na nagsalita.

"Yeah." Sagot nito at tumingin ulit sa daan.

Napatingin ako kay Mr. Razon na napabuga na lang din ng hangin tanda ng pagsuko. "Sana lang ay di ka magsisi sa huli" ani pa nito.

Ramdam ko ang pagtiim ng bagang ni Raze pero nanatili pa rin itong tahimik. Pinaka ayaw nya sa lahat ay pinapakelaman ang plano nila. Ang plano nya.

Sa dalawang araw na nagdaan di mahirap na mahagilap ang presensya ni Mr. Razon kaya mabilis namin syang na contact. Ngunit sa dalawang araw ding iyon, ilang beses na klinaro ni Mr. Razon ang nakatakdang plano nina Raze at Mr. Francisco. Ang masama sa ilang beses na pangungumbinsi nya kay Raze na huwag na lang ituloy ang plano nila, paulit ulit lang din ang sagot sa kanya ni Raze ng "I won't."

Isinandal ko sandali ang nangangalay kong likod sa upuan ng sasakyan. Pinasadahan ko ng tingin si Mr. Razon na ngayon ay nasa baba na ang tingin. Hindi ko sya masisisi kung ngayon ay tuluyan na syang sumusuko sa pagpapa alala kay Raze.

Ibinalik ko na lang ang tingin sa daan. Malapit na kami.

Mabilis ang paglubog at pagsikat ng araw kaya di na ako magtataka kung biyernes na agad ang sumapit sa araw na ito. Pasado alas tres y medya na ng hapon. Ipinagpabuti naming agahan na kesa mahuli sa usapang ala singko. We're now heading the university.

This explains everything kung bakit kasama namin si Mr. Razon. The former headmistress also ask for him. One thing for sure is she already planned this for a long time.

Tahimik lang kaming lahat ng magsibabaan sa sasakyan. Hindi namin kasamang makikipagkita sa headmistress si Mr. Francisco dahil magsisilbi namin syang look out maging ang kasamahan nya kung may ibang plano man ang dating headmistress. Sumama na rin sa kanya si Jena dahil buking na rin naman ang pagkatao nya sa headmistress.

It's futile to create her show again and act that she's still standing on the same line of headmistress. Everything was turned into fvcked then.

Mabibigat na hakbang ang ginawa ko ng magsimula na kaming pumasok sa gate. Naghuhuramentado ang puso ko sa pinaghalong kaba at takot ng tahimik na paligid ang naabutan namin.

Tanto kong oras pa ngayon ng bloody hours, pero bakit wala kaming makita ni isang estudyante? May plinaplano ka na naman ba Violet Rivera?

"Students?" ani Cedric na palinga linga sa paligid.

Gaya ni Cedric, ganun din ang ginawa ng ilan sa amin. Nagbabakasakaling may lumabas na estudyante at bigla kaming sugudin ng patalim. Ngunit ang pagbabaka sakaling iyon ay unti unti ring napawi ng tahimik pa rin ang paligid at hindi ito normal para sa akin.

Natatakot akong maulit muli ang ganoong senaryo hindi para samin kundi sa mga walang kamuwang muwang na mga estudyante dito.

The hell zein! Kelan ka pa nagkaroon ng pake sa taong di mo kadugo?

Marahas kong iniling ang ulo ko sa nagaganap na pagtatalo sa isipan ko.

Pinagpatuloy namin ang paglalakad. Tanging ang mga tuyong dahon na natatapakan namin ang syang gumagawa ng ingay para sa amin.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now