Chapter 16 Save Me

13.5K 366 20
                                    

Vanessa Point Of View

(Before Ace and Zein visit to headmistress)

"Kailangang may lead na tayong target" nakahalumbabang sambit ni Jerome sa lamesa na syang sinag-ayunan naming lahat.

Nasa sala kaming lahat ngayon na syang dinaluhan ng lahat maging sina Nazzer at Nicky ay nakiisa. Still no presence of Cedric. Ngayong araw na kase ang pagdalaw nina Ace at Zein sa Former headmistress sa kulungan.

Maingat na pinaikot ni Raze ang ballpen sa isang kamay nya para di mahulog sa sahig "Nagkakamali ka, may dalawa na tayong lead" pagtatama ni Raze kay Jerome na syang naalis sa pangangahalumbaba sa lamesa, saka nito sinandal ang ulo nya sa may balikat ko, since katabi ko lang sya.

Mahina kong itinulak papalayo ang ulo nya sa balikat ko, bwiset na lalaking to' ang bigat kaya. Sa ikalawang pagkakataon muli nya itong isinandal. Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nyang taglay.

"Violet Rivera, at Francisco Augustine sino pa nga ba?" pabirong sabi ni Dave

"Kahit kelan talaga yung dalawang yun hindi mapaghiwalay" pagsang-ayon naman ni Matt kay Dave.

Napalingon kami kay Mia ng biglaan itong magsalita.

"Pero nakakapagtaka lang ha, bakit ibinigay pa ni Mr. Francisco kay Raze ang titulo gayong babawiin naman nya ito?" makahulugan nyang sabi.

"Well that's confusing" singit ko

Totoo naman kase na nakakalito na ang mga nangyayari. Lalo na sa dating headmistress. Paano sya makagagawa ng ganoong hakbang samantalang nakakulong pa sya? Di kaya may kinasabwat syang pulis para makapuslit ng kulungan para maisagawa ang plano nya?

Malumanay akong napabuntong hininga sa daming ideya at tanong na pumapasok sa isipan ko.

Humarap si Raze kila Zein saka nagsalita "Kaya nga kinakailangang mapaamin nyo si Madame Violet na sya nga ang nasa likod ng kaguluhang ito" seyoso nyang saad.

Nakita naming lahat ang pagsipat ni Ace sa kanyang relohan,

"Kelangan na naming umalis" tipid nyang sabi.

"Mag-iingat kayo" pahabol ko bago sila tuluyang mawala sa paningin ko.

Sana lang talaga si Madame Violet nga ang tunay na may sala, ng sa gayon makagawa na agad kami ng hakbang para maisalba ang nanganganib na PHU pati na mga estudyante

"Kailangan na rin naming umalis" bakas ang pagkabored sa boses ni Nicky.

Pansin ko ang pananahimik ng lahat kaya't nginitian ko na lang sila ni Nazzer bago tumango. Nabalik lang sa katinuan ang lahat ng makarinig sila ng kalampag na sumarado ang pinto kung saan lumabas yung dalawa.

Nakasisiguro akong iniisip din nila ang magiging kahihinatnan ng pagbisita nila Zein kay Madame Violet, I can't blame them, maski ako ay nababahala na.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now