Chapter 17 Save Her!

9.9K 309 18
                                    

Jerome's POV

Halos hingalin na ako pagkapasok ko ng bahay nila Zein. Mabilis kong dinampot sa lamesa ang susi ng kotse ko.

Napakibit balikat na lang ako ng madatnan kong ganun pa rin ang posisyon nilang lahat. 

Walang kibo at tahimik. Weird

Papalabas na sana ako ng pinto ng biglaang magsalita si Mia.

"Nasaan si Vanessa?" tanong nya, mukhang kanina pa silang wala sa sarili nila. Di ba nila namalayan na nagpaalam na sa kanila kanina si vanko? ano bang problema nila? Kahit paglabas ni Vanessa di man lang nila napansin.

"Nasa labas magpapahangin lang daw" pagsisinungaling ko sa kanila.

"Ah, saan ka naman pupunta? bakit mo kinukuha ang susi ng kotse mo? aalis ka?" sunod sunod na tanong sakin ni Dave.

Napakamot na lang ako sa ulo ko sa dami nyang tanong.

"Bibili lang ng pagkain" pagsisinungaling kong muli habang nakasimangot

"ayos! gutom na ako!" hirit ni matt. Mukhang nakabalik na sila sa mga sarili nila base na rin sa reaksyon nila.

Lalabas na sana ako dahil mukhang naiinip na si vanko, patay ako dun, tsk! pingot na naman ang aabutin ko sa babaeng yun walanghiya!

"Ano na naman!" sigaw kong muli ng pigilan ako ni Dave. Sabay sabay silang nagtawanan sa reaksyon na pinakita ko, mga abnormal!

"Ingat!" walang kwenta nyang sambit

Dali dali akong tumakbo papalabas ng bahay nila Zein at pinuntahan si Vanessa. Kumunot ang noo ko ng wala akong makitang Vanessa ni anino.

Asan na sya? nakaalis na kaya sya? sa pagkakaalam ko pumayag sya na ihatid ko sya? di kaya nagbago bigla ang isip nya?

Naihilamos ko na lang ang isa kong kamay sa may mukha ko. Ang tanga mo naman kase Jerome! ang tagal tagal mo, ayan tuloy napag-iwanan ka tsk! — sigaw ko sa isip ko.

Tatalikod na sana ako ng may napansin akong kakaibang bagay. Muli akong lumingon at napatingin sa sahig. Kunot noo kong nilimot ang cellphone ni Vanessa.

Sa ibang parte ng katawan ko, bigla akong kinutuban ng masama fck! I don't want this kind of feeling filled me in!

Muli akong nagtatakbo papasok ng bahay nila Zein naabutan ko pa nga na nagkakasiyahan ang ilan.

"ASAAN ANG MONITOR NG CCTV!" pambungad kong sigaw. Napatigil naman silang lahat sa pagkakasiyahan sa tensyong bumabalot sakin. Galit at pagkakaba.

Agad na sumeryoso ang tensyong pumapagitan sa aming lahat.

"Ano bang problema mo?" seryosong tanong sakin ni Raze ngunit di ko iyon pinagtuunan ng pansin. Kailangan kong masiguro na walang nangyaring masama kay vanko, na aksidente nya lang na naipatak ang phone nya. Pero tangna! taliwas iyon sa nararamdaman ko!

"Pakiusap nasaan?" dehado na kung dehado wala akong pakialam! ang mahalaga ang kaligtasan ni Vanessa.

"Follow me bastard" wika ni Allison

Sa pag-aakala kong ako lang ang susunod sa kanya nagsitayuan silang lahat sa pagkakaupo at nakisunod. Napailing na lang ako bigla.

Pumasok kami sa isang kwarto at tumambad samin ang isang malaking monitor na naghahandle ng lahat ng CCTV nakapalibot malapit sa buong bahay nila Zein.

"Sa may kalsadaturan ko pagkapasok namin kahit na nalilito sakin si Allison sinunod nya pa rin ang sinabi ko. Zinoom nya yung pinaglalagyan ng CCTV sa may kalsada kung saan naroroon kanina nakapwesto si Vanessa.

Sinipat ko ang relohan ko, limang minuto na ang lumipas.

"Ibalik mo ang oras sa 10:30" since 10:35 na.

Muli nyang pinindot ang monitor at ginawa ang pinag uutos ko. Maya- maya pa ay tumambad sa amin ang video ni Vanessa na naghihintay sa'kin kanina.

Ramdam ko ang pagtahimik nilang lahat at tutok na tutok ang kanilang mga mata kay Vanessa. Mukhang naiintindihan na nila kung bakit ganun ang inakto ko kani-kanina. Natatakot akong baka mapahamak ang babaeng yun.

Maya maya pa, nakita naming lahat na kinuha ni Vanessa ang phone nya sa hawak hawak nyang pouch. Mukhang may balak syang tawagan pero di nya naituloy. Balak na sana nyang ibalik ang phone nya ng bigla nya itong naipatak sa sahig.

Bumangon ang galit at pagkainis ko sa buong sistema ko ng pwersahan syang ipinasok sa itim na van.

"S-si van-vanessa.." utal utal na sabi ni Mia.

"Holy sht! si Vanessa kinidnapped!" naghihisterical na saad ni d
Dave na ngayon ay nakatingin sakin pero nakaturo ang kamay nya sa may monitor.

"Tanga! nakikita ko!" pabalang kong sagot kay Dave. Napakamot naman ito sa kanyang ulunan.

Maigi kong pinagmasdan sa monitor ang mga lalaking dumukot kay vanko. Malakas ang kutob ko na hindi pera ang habol nila base sa kilos. Mahahalata mo naman yun sa isang tao kung ransom o pera nga ba ang motibo nila o iba pa, pero ano?

Makikita sa monitor ang pagpupumiglas ni Vanessa ngunit hindi parin sya makawala sa mga hawak nung tatlong lalaki. Naikuyom ko bigla ang pareho kong kamao.

Di nagtagal umalis na yung itim na van.

"Damn it, panibagong problema" pabulong na sambit ni Raze.

Napatingin ako kay Matt na ngayon ay nakasandal sa pader at naka cross arm. Mukhang may malalim syang iniisip.

Pinili kong ituon pabalik sa monitor ang tingin ko. Mukhang kailangan ko munang isantabi ang problema sa PHU. Patawadin sana ako nila Raze. Ngayong oras na ito mas mahalaga si Vanessa sa lahat. Pagbabayadin ko muna ang mga lalaking yun sa pagdukot sa fiancé ko. Di ako titigil sa paghanap sa kanila, kahit pa suyudin ko ang buong pilipinas para mahanap ko lang sila.

Napatingin ako sa cellphone ni Vanessa na hanggang ngayon ay hawak hawak ko. Napahigpit ang hawak ko dito.

Hintayin mo ako vanko. Ililigtas kita.

The New Generation (Hell Univesity FANFICTION) Where stories live. Discover now